Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 186 users online.

Forums
TV and Movies
TV Show: I - Witness
post new topic   post reply
Posting Guidelines | Search
Moderated by blue_spirit [ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 ]
Author TV Show: I - Witness
honey_02_07



Joined: Aug 2002
2008-06-24 01:12             


bitin yung episode. di man lang inexplore ang iba pang aspeto ng pagiging freshie sa UP.
-----------------

X-Files FTW!



blossom_pearl
Active Member


Joined: Jul 2003
2008-06-24 01:12             


hay naku totoo. sobrang daming commercial. 20mins lang ata ung dokyu. swapang talaga yang gma na yan. buti na lang gusto ko i-witness. ang bitin super. nung freshman assembly ko wala akong natatandaang nagrally...at di ko na din sasabhin kung ilang years ago na yun. may nakita pa kong mga familiar na muka (nung pinakita ung 'may kaya na UP students haha)i miss UP.

little_conqueror
Posting Expert


Joined: Sep 2005
2008-06-24 01:12               


Yun na yun? Bitin naman. Parang buhay first day ng freshie lang ang na-feature.
-----------------
"I like being fire. We dont wallow, we combust. We dont dry up, we burn out. We dont trigger floods, we start nuclear holocausts. We dont mope; we plot world domination."
-Jessica Zafra, Twisted 5


blue_spirit
Moderator
boy sa next door

Joined: May 2003
2008-06-24 01:15               


Bitin nga. Pero kulang din siguro ng time ang I-Witness para mag-research. Kakaumpisa pa lang din kasi ng classes eh.

aahhhron
Peyups Addict


Joined: Apr 2006
2008-06-24 01:23             


parang puros pahapyaw lang ng mga bagay-bagay ang napakita/nabanggit. like yung sa part na sinabing "mga propesor na nagpapaulan ng singko", or something like that, ok sana kung tinanong nila yung tatlo tungkol sa mga prof nila.

pero on second thought, baka wala silang makuha pag tinanong nila dahil malamang mattaakot yung mga yun sa mga prof nila.

block activities sana, buhay dorm (sa kaso nung isa), buhay commute (para naman dun sa dalawa), paghahanap ng friends at sandamakmak na readings. well mga yun sana gusto kong andun kasi yun yung mga pinakanaaalala kong pino-problema ko nung freshie ako hahaha

en_dansant
Forum Resident


Joined: Jul 2006
2008-06-24 03:23             


here's the YouTube link:

http://youtube.com/watch?v=bYuxCIAn8ec

I was "able" to watch it kanina sa shuttle pauwi galing work, and hay... i miss YOU GUYS, you know who you are hahaha

And wala akong naintidihan, gulo ng reception. Buti na lang meron na kagad!
-----------------
The real Sasha fierce!



We need new blood here sa Peyups. Ang shonda na ng mga usapan

[This message was edited by en_dansant on 2008-06-24 03:26]

just_more
Peyups Legend


Joined: Aug 2005
2008-06-24 05:34             


salamat sa link! just finished it and though it was ok. napapangiti ako sa ibang parts kasi talagang naalala ko yung akin. at medyo naaliw ako dun sa freshie na may pagpoproseso pa daw na nagaganap, harhar.

astig si zorro! at naging kaklase ko na si senior haha
-----------------
lacuna

rei_an
Lord of the Threads


Joined: Jul 2003
2008-06-24 09:05             


okay naman, basta naipakita yung importanteng issues na kakaharapin ng freshies. syempre, kung 2 linggo pa lamang ang nakakalipas pagkatapos lumipas ng klase, talagang hindi in-depth ang maasahan mong pagtalakay buhay ng tatlong freshie na yun.
-----------------

Gusto ko nang magka-bisikleta!


frightenedbaby
Honorary Member


Joined: Nov 2005
2008-06-24 09:59             


^i don't think it should be an excuse. ang nangyari kasi parang pinilit bigyan ng material ang bagay na walang material. The thing is walang focus i think yung documentary. Hindi ko nga naramdaman na sinusundan niya yung buhay nung mga estudyante. Ni wala nga ako nakita na in-classroom experience (hindi ba pinayagan?).

I expected to feel nostalgic, pero nabore lang ako sa buong documentary. I should have watched harapan nalang sana kasi mukang maanghang ang first (?) episode nila kagabi. Or better yet, natulog nalang sana ako ng maaga.

Basta nasasayangan lang ako sa material. Ang daming pwede ipakita sa first few days ng pagiging freshie.

I think maraming nabitin kasi wala naman talaga pinakitang ganong kasubstantial. at nung lumabas yung credits napasabi nalang ako na "yun na yun?"
-----------------
little knowledge is a dangerous thing. bobo ako. ergo, i am dangerous.

glenskie
Forum Resident


Joined: Jun 2002
2008-06-24 14:30                 


nabitin nga ako, hindi na-discuss mabuti ang mga isyu, at in passing lang sila nabanggit.

nainis ako nang bahagya sa freshie na nagsabing lumugar ang mga tibak. mahal ko rin naman ang pep squad (ako pa ang sumulat ng artik tungkol sa kanila nang manalo) pero kung alam lang nya kung gaano namin pinaglaban para manatiling P6k ang pesteng tuition nya. pero understandable naman, dahil wala pa siyang alam sa mga isyu at propriety lang malamang ang basis nya, na more often than not, ay wala ang mga tibak.


-----------------
I used to have dreams.
- Ben Linus, Lost


[This message was edited by glenskie on 2008-06-24 14:35]

hestia
Active Member


Joined: Jan 2004
2008-06-24 15:54             


Wah, si Prof. Jovy Peregrino ang emcee nung orientation! Naalala ko pa nung pinagawa niya kami ng book review ng Verbo, mahabaging diyos, ang haba.

Grabe parang antagal na nung orientation ko.

Bitin. Yung kuha sa classroom, di naman exciting. Di katulad nung first subject ko nung first day sa UP, Socio 11 kay Lanuza. Debate tungkol sa Diyos. Culture shock to the nth level.

Bago lang ba yan si Zorro? Di ko yata siya nakikita nung kapanahunan ko...

HobBiT
Lord of the Threads


Joined: Sep 2003
2008-06-24 15:56             


matagal na si zorro. batman pa nga tawag namin sa kanya dati e.

Gahd, isang dekadana pala ang nakalilipas.

G-12!

-----------------
Joles Bekshap

O, e ano ngayon?

anakin_wankanobe
Peyups Legend


Joined: Sep 2002
2008-06-24 15:56             


^hi blockmate. haha. ang bitin nga. wala namang isyu na nasagot. at sana nga sa class ni sir lanuza nagvideo. winner yun. haha.
-----------------
Dalawang Dula Para Kay Juan, Uncle Sam at the Moled One
Nuod Na! :D

rei_an
Lord of the Threads


Joined: Jul 2003
2008-06-24 17:12             


ayos, may blog entry agad si sir howie tungkol sa mga comments dito, special mention pa si frightenedbaby at aahhhron.

explanation niya kung bakit bitin umano ang episode:
Two weeks is not a long time in the life of a freshy. Doing a docu on a freshman's first semester or year, or even entire UP career if one aspires to be the second coming of Michael Apted, could be a prize-winning project of an intense documentary student, but not for us assembly-line TV producers with the blade of short deadlines at our throats.

eto ang link sa kanyang blog.
-----------------

Gusto ko nang magka-bisikleta!


[This message was edited by rei_an on 2008-06-24 17:13]

bokals
Honorary Member


Joined: Jul 2006
2008-06-24 17:40               


bitin yung episode from the point of view nating mga taga- UP.. siguro kung "issues" ang hahanapin natin o hahanapan ng sagot ay siguro sa reporters notebook.. hehehe.. pwede naman tayo mag-email ng suggestion di ba?.. hehe.. Overall ay kung yung "outsider" view ay ganun nga talaga.. parang preview to the life of a UP freshie.. Ang medyo na-focus lang doon na moment ay yung may-nagrally for the nth time sa freshman convocation.. hehe.. yun lang.. if i know, yung mga taga-ibang school o mga taga-probinsya na nanood nun ay sasabihin na "Hay naku! mga taga-UP talaga!".. yun lang ang medyo masakit sakin kasi nalalahat eh.. hindi naman lahat ay sumasali sa rally.. i have nothing against people na nag-rrally pero yung ganung impression sa isang tao na hindi taga-UP ay talagang ganun ang perception nila..
-----------------
"If we deny love that is given to us, if we refuse to give love because we fear the pain of loss, then our lives will be empty, our loss greater." - Tanis Half-Elf

[This message was edited by bokals on 2008-06-24 17:59]

[ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 ]
post new topic   post reply
Jump To:
 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.