back cover

Kumusta na ang Yano?
by Risa Jopson

INTRODUCTION

PEOPLE
Yano
Romeo Lee
Manny Villar
Nur Misuari
Benjie Paras
Dino Ignacio
Eraserheads
Jerry Barican
Obet Verzola
Jessica Zafra
Zider Lubiano
Myla Algarme
Gary Granada
Raymond Red
Mike Defensor
Jerome Bailen
Eric Altamirano
Amante Jimenez
Miriam Defensor
Malou Mangahas

ISSUES
ID
UAAP
STFAP
US Bases
Collegian
Frat Violence
SAMASA split
SR controversy
Sexual Harassment

Ang pinaniniwalaan ng karamihan, nabaliw ang bokalistang si Dong Abay kaya naghiwa-hiwalay ang mga myembro ng bandang Yano. Ang totoo, ayon sa bahista nitong si Onie Badiang, nasa matinding depresyon lang si Dong. Sinubok nila ni Eric Gancio, ang gitarista, na itaguyod ang banda kahit wala si Dong, pero hindi sila nakatayo bilang duo. Nakabase ngayon sa Davao si Eric, kasama ang asawa at tatlong taong-gulang na anak. "Ipinagpapatuloy ang esensya ng banda," wika niya, at tumutugtog pa bilang Yano. Si Onie naman ay tumutugtog bilang freelance sa Maynila. Si Dong ay nasa malalim na kalungkutan, paminsan ay nakikita sa Philcoa, nagyoyosi.

Dating myembro ng Pi Sigma fraternity at residente ng Narra si Dong. Philippine Studies ang kurso niya, third year na nang lisanin ang UP sa rurok ng tagumpay ng Yano noong 1994. Si Eric ay cross-enrolled mula sa UP Los Baņos sa UP College of Music ng Diliman, major in guitar. Hindi na niya natapos ang isang semestreng nilagi niya rito dahil sa pagtuon sa banda.

Nagkakilala ang dalawa noong 1992 sa Patatag, isang progresibong grupong koral. Pagpasok ng sumunod na taon, bumukod sila at nagsulat ng sariling mga kanta. Sa Gulod sila nagpapalipas-oras, umiinom ng beer at nagkukwentuhan. Ilan sa kanilang komposisyon ay patungkol sa UP. Sa "Iskolar ng Bayan," tinutuya nila ang naturingang isko na walang ginawa para maging karapat-dapat sa institusyon. Gumagamit ka pa rin ba ng s/ nag-a-outing ka pa rin ba sa united isteyts/ tancha ko sa'yo/ siguro ang tali-talino mo/ taga-u.p. ka kasi/ kay daling makahanap ng trabaho. Saad naman sa "State U," administration policy: itaas ang tuition fee/ pati na rin ang dorm fee/ bakit walang nagrarali?/ kahit may demolition, private corporation/ barat na allocation sa education/ commercialization, colonization/ privatization, kawawang oblation!

Buwan ang binilang bago nagkaroon na ng pangalan ang banda. Ayon sa pabalat ng unang album: Yano - salitang Sebwano na nangangahulugang simple o ordinaryo sa Tagalog. Sa probinsya ng Quezon, "yano" ang katumbas ng grabe o sobra, tulad ng yanong ganda! Ang "yano" ay "kombong Pinoy" din, mula sa mga salitang Ingles na katumbas ng oo at hindi.

Tumutugtog ang Yano nang nakaputing kamiseta, kupas na pantalon at tsinelas - pusturang umukit ng imahe ng mga taga-UP. Ang mga unang tugtog nila'y sa loob lang ng kampus. Kasama sila sa Amnesty International Concert noong 1993, at sa iba pang AI concerts pagkatapos noon. Tumugtog sila sa UP fair at concert ng Mountaineers. Tumugtog din sila sa gabing pag-alaala kina Lean Alejandro at Edgar Jopson, kapwa binansagang kabataang martir, sa Palma Hall lobby, Setyembre 1993. Inihatid nila ang kanilang musika sa 70's Bistro, Club Dredd, Music Museum, Folk Arts Theater at maging sa Intramuros, EDSA, Senate Building at telebisyon.

Matapos ang isang taong magkasama bilang Yano, nanalo sila ng Best New Artist sa 1994 NU Rock Awards. Ang una nilang album, Yano (1994), ay umani ng Quadruple Platinum Award noong 1996. Ang mga sumunod na album (Bawal, 1996 at Tara, 1997) ay hindi nagkulang ng angas at insayt ngunit hindi nakahigit sa tagumpay ng naunang koleksyon.

Naging myembro ng grupo noong Agosto 1994 si Onie, dati namang kasapi ng Bagong Lumad. Tumutugtog na sila noon sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas, mula Sagada, Mt. Province hanggang General Santos, Cotabato. Sa kabuuan, mahigit limampung lugar sa labas ng Maynila ang pinamalasan nila ng galing sa pagtugtog. Inilalarawan ang kanilang musika bilang rock, punk rock, folk, at fusion.

Sayang, walang nagpatuloy ng kanilang paghimok sa tagapakinig para magsuri sa lipunang ginagalawan. Ang radyo ay pinaghaharian ngayon ng love songs, pop at mga manggagayang nasa klaseng sekundarya. Hindi mapupurga ang Pilipinas sa banda tulad ng Yano. Hangga't inuuod ang kukote ng mga tao sa hindi pamumulat sa katotohanan, nangangailangan tayo ng tulad nila sa radyo.

Simple lang ang sangkap ng tagumpay ng Yano. Inaawit nila ang mga kwento ng masa. Binubudburan ito ng patawa, angst, karunungan, at galing sa paghulma ng musikang huhuli sa kiliti.

 
Warning: main(../ads1.inc) [function.main]: failed to open stream: No such file or directory in /home2/peyupsc/public_html/dekada90/yano.khtml on line 136

Fatal error: main() [function.require]: Failed opening required '../ads1.inc' (include_path='.:/usr/lib/php:/usr/local/lib/php') in /home2/peyupsc/public_html/dekada90/yano.khtml on line 136