![]() |
Bioman |
|
PEOPLE ISSUES |
Nang una ko siyang makita, hindi ako makapaniwalang siya ang tanyag na si Roberto Verzola: manunulat, pangulo ng E-mail Center (EMC), pangkalahatang kalihim ng Philippine Greens, at community representative ng National Committee on Biosafety in the Philippines (NCBP). Malumanay ang boses niya, payat, simpleng manamit, at higit sa lahat - naka-tsinelas na goma. Naitanong ko tuloy sa aking sarili, "fashion statement kaya niya ito?" Tumuntong sa Unibersidad ng Pilipinas si Obet noong 1969. Kumuha siya ng BS Electrical Engineering (EE) bilang iskolar ng National Science Development Board (NSDB). Nang panahong iyon, aniya, ang mga pasukan, bulwagan at pasilyo ay wala pang mga bakal na tarangkahan o rehas. Dagdag pa niya, ang UP noong 1970s ay "center of ferment, activism and involvement in national issues." Naging bahagi siya ng student movement, nag-fulltime noong 1972 at naging political detainee mula 1974 hanggang 1977. Paglabas niya, nagtrabaho siya bilang manunulat sa isang environmental agency. Hindi siya agad nakabalik sa pag-aaral hanggang noong 1979. At ang una niyang napansin sa kanyang pagbabalik-estudyante ay mga baras na bakal na bumabalot sa mga gusali. Taong 1982 nang matapos niyang gawin ang sarili niyang computer. Naisip niyang sa halip na sumulat ng papel para sa kanyang EE degree, magdidisenyo at mag-a-asembol siya ng apat na microcomputer. Noong 1992, itinatag ni Obet ang EMC, isang kumpanyang nagseserbisyo ng electronic mail (e-mail), electronic forum (e-forum), at database. Aniya, "our philosphy in using IT (information technology) is not for profit-earning." Sa katunayan, naglalayon silang maghatid ng serbisyo sa lahat, lalo na sa mga kapos o walang teknikal na kaalaman. Dahil sa kasanayang teknikal, madalas siyang konsultahin ng mga NGO, environmental group, civil society organization, at magsasaka, ukol sa mga isyung teknolohikal tulad ng nuclear power, renewable energy, komunikasyon at iba pa. Noong Nobyembre 30, 1996, isa si Obet sa mga nagtatag ng Philippine Greens. Green politics ang pulitika nila. Naniniwala silang "the current corporate domination of political, economic and cultural life is the major source of social and ecological problems." Sa kasalukuyan, matindi ang pagsubaybay ni Obet sa isyu ng genetic engineering at mutant crops/organisms. Bilang community representative ng NCBP, kaisa siya ng mga magsasaka sa paglaban sa inaprubahang field-testing ng Bt corn, isang bagong binhi ng mais na may kakayahang lumikha ng sarili nitong pesticide. Hindi lang pala siya green-minded, mutant-fighter pa siya. Sanggunian:
|
Warning: require(../ads1.inc) [function.require]: failed to open stream: No such file or directory in /home/peyupsc/public_html/dekada90/verzola.khtml on line 125 Warning: require(../ads1.inc) [function.require]: failed to open stream: No such file or directory in /home/peyupsc/public_html/dekada90/verzola.khtml on line 125 Fatal error: require() [function.require]: Failed opening required '../ads1.inc' (include_path='.:/usr/lib/php:/usr/local/lib/php') in /home/peyupsc/public_html/dekada90/verzola.khtml on line 125 |