back cover

Kontrobersyal na Tinig
by Vincent Jan C. Rubio
& Allan Jones F. Lardizabal

INTRODUCTION

PEOPLE
Yano
Romeo Lee
Manny Villar
Nur Misuari
Benjie Paras
Dino Ignacio
Eraserheads
Jerry Barican
Obet Verzola
Jessica Zafra
Zider Lubiano
Myla Algarme
Gary Granada
Raymond Red
Mike Defensor
Jerome Bailen
Eric Altamirano
Amante Jimenez
Miriam Defensor
Malou Mangahas

ISSUES
ID
UAAP
STFAP
US Bases
Collegian
Frat Violence
SAMASA split
SR controversy
Sexual Harassment

Ngayong dekada '90, hindi naligtas sa kontrobersya ang pagpili sa Student Regent (SR) bilang tinig sa Board of Regents, ang highest policy making body sa UP.

Una itong nangyari noong 1991 nang tanghaling SR si USC Diliman Chair Angelo Jimenez. Pangalawa lamang siya kay Jose Ocampo Ilagan ng UP Los Baņos bilang official nominee. Si Ilagan ang number one choice ng Katipunan ng Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP), ang opisyal na samahan at may makasaysayang gawaing magrekomenda sa pangulo ng UP at Pilipinas kung sino ang magiging SR. Binalewala ni dating UP President Jose Abueva ang choice ng KASAMA sa UP at inirekomenda si Jimenez kay dating Pangulong Cory Aquino.

At dahil hindi kinilala ng KASAMA si Jimenez bilang SR, ito ang taon na "walang rehente" ang mga mag-aaral kundi "rehente ni Abueva."

Noon namang 1996, hindi naglahok ng kinatawan ang USC Diliman at Manila sa pagpili ng SR. Ang ginawa nila, sumulat sila BOR upang tutulan ang pagpili ng KASAMA kay Leo Malagar ng UP Visayas. Napagkasunduan din ng ilang konseho, sa pangunguna ng Diliman at Manila, na basagin ang anila'y dominasyon ng KASAMA sa pagpili ng SR. Ayon sa kanila, ipinapataw nito sa ibang myembro ang ideolohiya ng KASAMA. Gayunman, opisyal pa ring nahirang na SR si Malagar.

Bago naman matapos ang term ni Malagar, nabuo ang General Assembly of Student Councils (GASC) mula sa buong UP system. Ito ang gumawa ng 'Codified Rules for the Selection of the Student Regent,' upang maging guide sa pagpili ng SR. Sa bagong prosesong ito, binigyan ng dalawang boto ang mga autonomous unit at isang boto naman ang mga regional unit.

Ngunit binalewala ni USC Diliman chair Percival Cendaņa ang resulta sa pagpili ng SR na ginawa ng GASC noong 1998. Ayon kay Cendaņa, undemocratic daw ang naging pagpili kay Dennis Longid ng Diliman sapagkat hindi siya ibinoto ng USC Diliman na may mayoryang bilang ng estudyante sa UP system. Sa kabilang dako, ikinatwiran ng mga sumuporta kay Longid na hindi nawalan ng demokrasya sa selection process dahil kalahok naman ang buong UP system, at hindi lang dapat boses ng USC Diliman ang dapat marinig.

Gayunman, direktang inirekomenda ng USC Diliman ang kandidato nitong si John Pineda sa dating presidente ng UP na si Emil Javier at kay Pangulong Joseph Estrada. Dahil dito, nabinbin ang paghirang kay Dennis Longid. Naglunsad ng mga protesta ang mga estudyante, at noong Hulyo 31, 1998, opisyal na-apoynt si Longid.

Ngayong academic year naman, si Ferdinand Zafranco ng UP Manila sana ang ikalabintatlong SR. Ngunit sa isang pulong ng BOR noong Agosto 26, 1999, pinawalang-bisa ang kanyang apoyntment. Hindi na raw siya estudyante ng UP dahil itiniwalag na siya ng kanyang kolehiyo dahil na-delinquent (DQ). Iniextend ng BOR ang termino ni Longid hanggang Disyembre 31, 1999, at hanggang makapili ng SR ang GASC. Ipinag-utos din ng BOR sa GASC na ayusin ang Codified Rules at saka ihapag ito para aprubahan.

Abril bawat academic year ang selection process sa SR para mapalitan agad ang outgoing SR na hanggang Mayo ang panunungkulan. Ngunit sanhi na rin ng pagbinbin ng pangulo ng UP at Pilipinas sa apoyntment ng napiling SR, nawawalan ng tinig ang mga mag-aaral sa panahong nabibinbin ang opisyal ngunit ministerial lamang na paghirang.

Ito pa, marahil, ang problemang dapat tugunan ng GASC upang hindi maranasan ang anupamang kontrobersya sa hinaharap.

 
Warning: main(../ads1.inc) [function.main]: failed to open stream: No such file or directory in /home2/peyupsc/public_html/dekada90/sr.khtml on line 128

Fatal error: main() [function.require]: Failed opening required '../ads1.inc' (include_path='.:/usr/lib/php:/usr/local/lib/php') in /home2/peyupsc/public_html/dekada90/sr.khtml on line 128