![]() |
Rocky
Horror Picture Show |
|
PEOPLE ISSUES |
"KILL THE LANDLORD!" ang sigaw ng t-shirt ni Lee nang dalawin ko siya sa tambayan ng Mountaineers. Kabibili lang daw niya ng suot na DMs ("…sa Antipolo, P900. Mura ba?"). Neon green ang suot niyang medyas, at may nakatakip na makulay na fisherman's hat sa numinipis niyang buhok. Sabi ng iba, relikya raw siyang para sa Archives. Pero kapag tumatambay siya sa tabi ng Main Libe, nalilito ang dumaraan kung alin na nga ba ang mas kapitapitagang institusyon - Gonzalez Hall ba, o si Horrorable Romeo Lee? Nitong Disyembre 10 ay katatapos lang ng huling Elvis concert. Tulad ni Lee, institusyon na rin ang taunang pa-konsert na 'to. Unusual: Wala ang Eraserheads. Brownout. Trapik. Pero as usual, nandoon si Lee. "Ako na nga lang ang nagtitiyagang mag-organize ng Elvis. Nagbayad pa ako sa generator, di naman nagamit. Dati, may apat kaming kalabaw, ngayon binenta ko na ang dalawa para lang d'yan. Early '90s pa lang, Elvis na 'yan. May t-shirt kasi akong "I've seen Elvis" noon kaya 'yun na. Minsan nagsasawa na 'ko sa pangalang Elvis. Parang gusto ko nang palitan. Joseph Estrada kaya?" maigsi niyang pagmumuni. As usual, kumanta na naman siya ng "Wild Thing." "Sa Katrina's (80s punk club) pa lang kinakanta ko na 'yan, "sabi ni Lee. Kahit nga Beatles Night sa 70s Bistro, hindi pinapatawad ng "Wild Thing." "Oo, e kumanta pa nga ako d'yan ng 'Sarung Banggi' kasi akala ko Bikols Night. " 1990 nang sumali ng Mountaineers si Lee. Mas hilig daw niya ang pagpipinta pero VisCom ang major niya sa College of Fine Arts. Kailan siya grumadweyt? ("Basta, gradweyt ako.") Ano'ng student number ni Lee? ("E di mas lalong hindi ko sasagutin 'yan." ) Anong panahon siya naging estudyante? ("Tanggalin n'yo na'ng kuko ko, hindi ko sasagutin ang tanong na'yan." )
|
Warning: require(../ads1.inc) [function.require]: failed to open stream: No such file or directory in /home/peyupsc/public_html/dekada90/lee.khtml on line 100 Warning: require(../ads1.inc) [function.require]: failed to open stream: No such file or directory in /home/peyupsc/public_html/dekada90/lee.khtml on line 100 Fatal error: require() [function.require]: Failed opening required '../ads1.inc' (include_path='.:/usr/lib/php:/usr/local/lib/php') in /home/peyupsc/public_html/dekada90/lee.khtml on line 100 |