back cover

Mayang Makabayan
by Jonnabelle Vidal Asis
& Ellaine Adricula Beronio

INTRODUCTION

PEOPLE
Yano
Romeo Lee
Manny Villar
Nur Misuari
Benjie Paras
Dino Ignacio
Eraserheads
Jerry Barican
Obet Verzola
Jessica Zafra
Zider Lubiano
Myla Algarme
Gary Granada
Raymond Red
Mike Defensor
Jerome Bailen
Eric Altamirano
Amante Jimenez
Miriam Defensor
Malou Mangahas

ISSUES
ID
UAAP
STFAP
US Bases
Collegian
Frat Violence
SAMASA split
SR controversy
Sexual Harassment

Kung tatanungin ang karaniwang estudyante ng UP kung kilala niya si Mayang, malamang na ang isagot niya ay "hindi." Hindi naman kasi artista o pulitiko si Mayang.

Si Myra Regina Algarme - o "Mayang" sa kanyang mga kaanak at kaibigan - ay dating estudyante ng UP. Matalino siya, maganda, at galing sa isang mariwasang pamilya. Pwede siyang maging artista o pulitiko, kung tutuusin. Pero hindi iyon ang landas na tinahak niya.

Taong 1991 nang pumasok si Mayang sa UP sa kursong Applied Physics. Ayon sa mga kakilala, masipag siyang mag-aral. "Nerd" na nga raw. Parati siyang nakikitang nagbabasa.

Ngunit naunawaan niyang ang pag-aaral ay 'di dapat makulong sa klasrum ng unibersidad o sa mga pahina ng libro. Freshman pa lang ay naging miyembro na siya ng Concerned Students for Justice and Peace (CSJP). Naging madalas ang pagpunta niya sa mga depressed area. Sumama siya sa mga mobilisasyon at rali. Noong 1992, narekrut siya sa Kabataang Makabayan.

Pero hindi naman masasabing "GND" siya o "grim and determined" na tipo ng aktibista. Ayon sa mga kaibigan, makuwento siya at mahilig magbiro. Magiliw siya sa mga kasamahan. Kapag sinusulatan niya ang mga ito'y may kasama pang tula. Hilig din kasi ni Mayang ang pagsusulat. Siya raw ang numero-unong taga-puno ng kanilang org logbook.

Dahil kinakitaan ng determinasyon at kakayahan , inimbitahan siyang maging kasapi ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1993. Nagdesisyon siyang mag-fultaym sa gawaing-aktibista nang sumunod na taon. Hinadlangan ng kanyang mga magulang at ilang kaibigan ang paghinto niyang ito sa pag-aaral. Ngunit buo ang kanyang loob. Ayon sa kanyang mga magulang, noon pa man ay madaling nahulog ang loob ni Mayang sa mga kapus-palad. Nang sumapi siya sa kilusan, lalong tumindi ang pagnanais niyang mapabuti ang kalagayan ng mga ito.

Noong 1995, ginawa niya ang marahil ay pinakamabigat na desisyon sa kanyang buhay. Sumapi siya sa New People's Army. Iniwan niya ang pamilya, mga kaibigan, at pangako ng "magandang bukas."

si Mayang na isang NPA. Kinubkob ng 51st Infantry Battalion ang tinutuluyan niya at ng mga kasama sa Tigbao, Zamboanga del Norte, Enero 17 ng taong kasalukuyan. Dalawampu't tatlong taon lamang siya.

Pinili ni Mayang ang mabuhay sa sakripisyo't paglilingkod kaysa pansariling ginhawa at kariwasaan. At dahil dito'y magsisilbi siyang inspirasyon sa kabataang nagpapatuloy ng simulaing kanyang itinaguyod.

 
Warning: require(../ads1.inc) [function.require]: failed to open stream: No such file or directory in /home/peyupsc/public_html/dekada90/algarme.khtml on line 114

Warning: require(../ads1.inc) [function.require]: failed to open stream: No such file or directory in /home/peyupsc/public_html/dekada90/algarme.khtml on line 114

Fatal error: require() [function.require]: Failed opening required '../ads1.inc' (include_path='.:/usr/lib/php:/usr/local/lib/php') in /home/peyupsc/public_html/dekada90/algarme.khtml on line 114