Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 214 users online.

Columns Coffee and Chaos : Ang Pagkamatay ng Ideyalismo
Contributed by apocalypse (Edited by amplifier)  
Sunday, July 16, 2006 @ 12:00:13 AM
Print | Send

Unti-unti akong pinapatay ng aking konsensiya.

Halos masuka-suka na ako sa aking ginagawang job-hunting, paglipat-lipat ng opisina sa Ortigas para sa mga job interview, at pagikot-ikot sa kagubatan ng Ayala. Nakakahilo. Nakakapanghina. Nakakapanghinayang. Hanggang ngayon di ko pa rin matanggap na ito ang naging kahinanatnan ko, na sa di kalayuang panahon magiging alipin rin pala ako ng mga kapitalista. Wala pa ring kawala.

Matapos ikasuklam, kalabanin, banggain sa klasrum at lansangan ang konsepto ng kapitalismo, neo-kolonyalismo at ang samu’t saring manipestasyon nito sa Pilipinas, heto ako kumakatok sa pinto ng mga korporasyon, naghahanap ng trabaho. Nakakatawa kung tutuusin, parang isang absurdong bangungot.

“Welcome to the real world,” sabi ng tibak kong kaibigan, na ngayo’y isang disgruntled employee. “Buti ka pa, papasok pa lang, may panahon ka pang pumili at umayaw. Samantala ako, wiz! Heto, isang baklang nagpapakaputa. Nakakatawa, bakla na nga, puta pa. Mas keri pa nga kong tumalon na lang ako mula sa tuktok churva ng building. At least, namatay akong intact ang dignidad at hindi nagpapalamon sa sistema.”

Isa lang siya sa marami kong kakilala na araw-araw, segu-segundo ay digmaan: digmaan sa pagitan ng kanilang pinaniniwalaan at realidad. At gaya sa rally at malawakang pagkilos sa lansangan, madugo at marahas ang bawat sagupaan. Di mo malaman kung sino ang nagwagi, kung sino ang talunan sa araw na iyon dahil parehong ayaw magpatinag. At sa paglubog ng araw, may panibagong bukas namang kakalabanin, may panibagong giyera. Mahirap talaga mamuhay sa sinapupunan ng demonyo. Pero ikanga ng bandang Garbage, “the trick is to keep breathing.”

“Pero makakaraos din tayo,” seryoso niyang sinabi, “hangga’t buhay ang diwa sa iyong kaloob-looban, hanggang naniniwala ka, magkakaroon ka ng sapat na lakas upang makayanan mong mabuhay dito sa mundo. At ito ang katatandaan mo, huwag na huwag kang magpapalamon. Mabubulok ka lang sa sistema. Remember Leo, darating din ang rebolusyon.”

Darating din ang rebolusyon. Bigla akong natahimik at natulala nang narinig ko ‘yon. Darating din ang rebolusyon. Parang isang himig na napakasarap pakinggan. Pero kailan ito darating? Buhay pa ba ako no’n? Ano ang gagawin ko habang hinihintay ang rebolusyon?

Mahirap habulin ang isang mailap na pangarap. Mahirap maniwala sa isang ideolohiyang kumukontra sa dominanteng hegemonya. Mahirap baguhin ang sistema kung kunti lang kayo at mardyinalisado. Unti-unti ka kasi nilang sinasakal, pinapatay ‘di lang katawan pati diwa’t kaluluwa, pati panaginip. Mahirap pala maging isang progresibong peti-burgis ngayon sa panahon ng ligalig.

Ayoko ko kasi maging isang robot at alipin ng bundy clock. Ayoko maging bahagi ng dambuhalang assembly line ng mga kompanyang multi-national. Ayoko maging sunod-sunuran sa mga alagad, propeta at mga pantas ng kapitalismo. Pero kahit saan man ako mapadpad, nandoon sila, hinihikayat akong sumakay sa kanilang magic carpet ride.

Sa madaling salita, ayoko maging isang makina. Gusto kong manatiling isang tao.

Napagisip-isipan ko, heto na siguro ang hamon sa amin sa kasalukuyan, paano kami mamumuhay habang nakikipagsagupaan sa kalaban, paano namin dadalhin ang laban sa pinili naming career, paano namin ipagpapatuloy ang paggiba sa status quo, sa dominante at mapang-aping sistema, paano namin bubuwagin ang elite democracy, paano namin ipaglalaban ang mga mardyinalisadong sektor ng ating lipunan. Isang malaking hamon na hindi namin pwedeng atrasan.

Madali lang ang buhay ko noong ako’y estudyante pa lamang. Malayo kasi ako sa galamay ng kalaban, prinoprotektahan pa ako ng mapagkalingang yakap ng akademya. Pero ngayong ako’y parang isang sanggol na iniluwal sa mundo nang walang kalaban-laban, paano ako mamumuhay at makikipagtunggali sa bago at mas malupit na tereyn ng kontensyon?

Gaya ng mga kaibigan ko, araw-araw ko’y magiging isang digmaan na rin.

At habang ako’y unti-unting pinuputakte ng aking konsensiya, magtitiis muna ako. Magkukunwari, maghahanap, magpapatangay, susuong sa rumaragasang agos ng buhay habang unti-unti kong hinuhukay ang aking libingan.

Balang araw, makakalaya rin ako/tayo. Balang araw.



###############


Columns - Coffee and Chaos

Related links






Coffee and Chaos : Ang Pagkamatay ng Ideyalismo | 57 comments
 

Re: by beautifulstranger
Sunday, July 16, 2006 @ 01:19:38 AM
Ganda artik. Kuhang kuha mo yung ligalig na sigurado akong nararamdaman ng marami sa atin.

May alternatives din naman. Hindi nga lang kaya makipag-kumpetensya sa inaalok na sweldo ng mga malalaking kumpanya.

But hell yeah. It's a freakin' internal war out there for a lot of young people like us. At bakit kaya ganun yung term na ginagamit noh? Ako rin, pag kinakausap ko mga kaibigan ko tungkol sa hirap ng buhay at pagpili ng trabahong kayang sagutin mga bayarin ko, sinasambit ko na lang na "magpu-puta" muna ako at papasok sa mga MNCs. Syempre nao-offend yung mga barkada kong trabaho ay sa corporate. Hehe. Mahirap ipaintindi. Sa ilang mga kaibigan mo, sa kapatid mo, sa magulang mo. Minsan nga kahit ako, tinatanong ko sarili ko kung naiintindihan ko ba talaga.

Mahirap talaga ang laban na ito. Pero sasabihin ko sa'yo, kaya yan. Posible. Marami akong kakilala at kaibigan na hindi sumabay sa daloy. Sila inspirasyon ko.







  • Re: by apocalypse on Tuesday, July 18, 2006 @ 12:40:35 AM
Welcome to the real world by habster
Sunday, July 16, 2006 @ 03:17:00 AM
Di naman siguro mamamatay ang idealismo mo, mare-refine lang ito. Makikita mo ang kabilang bahagi ng lipunan, malalaman mo na hindi naman ito ganun kasama tulad ng inaakala mo. Mabibigyan ka ng pagkakataon upang gamitin ito upang matupad ang rebolusyon na gusto mo. Sisimulan mo nga lang sa sarili mo.

Good luck and happy job hunting.



  • Re: by apocalypse on Tuesday, July 18, 2006 @ 12:45:22 AM
Re:Madali lang ang buhay ko noong ako’y estudyante pa lamang by jamikaballs
Monday, July 17, 2006 @ 11:06:04 AM
Napakatigas natin nung tayo'y estudyante pa lamang sa pagtataguyod ng demokrasya, sa pagtatanggol sa mga inaapi, sa pagrarally kapag may tuition fee increase, sa pagpunta sa mendiola upang iparinig ang mga boses ng masa. Subalit marami na akong mga kakilala na nangunguna sa mga rally na ngayo'y nagtatrabaho sa Japanese company, call centers at mga korporasyong tahanan ng kapitalismo.

Napaka-weird lang isipin na marami sa atin ang nagagalit sa mga sitwasyon na kung saan pagdating ng panahon ay sasabayan din natin ang agos.

Marami rin naman kasi tayong magagawa aside from complaining. Do not be idealistic, be realistic. Marami ring paraan kung paano natin maipapahayag ang pagmamahal natin sa ating bansang Pilipinas. Bilang isang estudyante, dito buhay ang ideyalismo subalit unti-unting bumababa at pwedeng mamatay habang tayo'y tumatanda. Alam natin yun kahit sa mga simpleng bagay. Mula sa goals natin sa buhay hanggang sa pagpili ng magiging kasintahan.

Umpisahan natin sa ating sarili. Kung may mga nakikita tayong mali, huwag nang tularan o mainggit kung bakit nila ginagawa yun. Simpleng bagay, simpleng buhay.


Hindi ko magets by guy_of_ur_dreams
Monday, July 17, 2006 @ 04:59:26 PM
hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko naiintindihan ang artikulong ito. ano ba masamang magpagod para may ikabuhay? kelan pa naging pagpuputa ang magtrabaho? ang paghangad ba ng ideyal na kalagayan ay ang pagiging anarkista kung saan wala nang manggagawa?

isa pa po.. pwede ka namang mamili ng kompanyang pagtratrabahuhan di ba? kung sa tingin mo hindi makatarungan magtrabaho sa isang MNC, e di huwag! marami pa rin namang kumpanya dyan, yun nga lang di ganun kalaki ang pasahod.

and darating rin ang rebolusyon? hmm.. ewan ko kung dapat hintayin yun e..


  • Re: by uelaap on Monday, July 17, 2006 @ 06:56:09 PM
  • Ikaw rin, di kita magets... by apocalypse on Tuesday, July 18, 2006 @ 01:36:38 PM
    • Name-calling by guy_of_ur_dreams on Tuesday, July 18, 2006 @ 08:02:56 PM
      • Re: by apocalypse on Tuesday, July 18, 2006 @ 10:17:59 PM
        • Re: by guy_of_ur_dreams on Wednesday, July 19, 2006 @ 12:38:12 AM
          • Re: by apocalypse on Wednesday, July 19, 2006 @ 05:15:06 PM
tama.... by liberty
Monday, July 17, 2006 @ 08:55:04 PM
"...prinoprotektahan pa ako ng mapagkalingang yakap ng akademya." Makakalaya rin tayo balang araw...


  • [No Subject] by apocalypse on Tuesday, July 18, 2006 @ 12:46:14 AM
    • Re: hahaha! by tigerbomb on Wednesday, July 19, 2006 @ 08:09:18 PM
      • Re: by apocalypse on Thursday, July 20, 2006 @ 11:03:56 AM
        • Re: by guy_of_ur_dreams on Thursday, July 20, 2006 @ 11:48:05 AM
        • Re: by tigerbomb on Thursday, July 20, 2006 @ 02:56:16 PM
          • Re: by apocalypse on Saturday, July 22, 2006 @ 01:51:05 AM
Re: gandang artik! by takoyaki
Wednesday, July 19, 2006 @ 11:44:46 PM
tinamaan ako. hindi man ako active sa pagsali sa rally nung colej pero mulat ako sa sistema.

ngayon ko lang napagtanto, tama ka. all the while binubulag ko lang ang sarili ko na nag-eenjoy ako sa sistemang to. sana nga dumating na ang pagbabago.

sana malapit na dumating yun pagbabago.

sana hindi ako mainip sa pag-aantay.


Re: quoted from "the battle of who could care less" by yey
Friday, July 21, 2006 @ 03:28:05 AM
by kristine0019:

<i>The problem with us UP students is that we are so awestruck with the ides of "Serving the People" that we forget to remember that in order for us to do so, we should help ourselves first.

I refer to "helping ourselves" as finishing school and establishing ourselves first before going to the mountains or something. Sure, you'll drop out of school and live in the mountains with the masses, but what will that do to you? Or to them? You'll just end up sympathizing with their plight but not doing anything concrete to improve their situation. All of you there will just end up as poverty statistics. Sure, you may say "E marami namang paraan ng pagtulong, e. Tulad nng pagbibigay ng oras sa masa," but you'll just end up using your time sympathizing with them. Other than that, no more.

Another point is that time will come that you'll stop being a young, carefree student and will have to assume responsibilities that needs a diploma to be carried out (e.g. work). In this case, consider your degree a an insurance in case you have to go down from the mountains to the mainstream for whatever reason.

Don't get me wrong; I agree that the system is corrupt and has to be changed. But before changing the world, you must change youself first.

After all, you can't give what you don't have. </i>

somehow, i got the feeling that a lot of people had burned this topic to the ground. luckily, some good answers can just be copy pasted.


  • Re: by apocalypse on Saturday, July 22, 2006 @ 02:16:33 AM
    • Re: by yey on Saturday, July 22, 2006 @ 04:59:22 AM
      • Re: by apocalypse on Saturday, July 22, 2006 @ 05:31:53 PM
        • Re: by yey on Saturday, July 22, 2006 @ 11:40:11 PM
          • Re: by apocalypse on Saturday, July 22, 2006 @ 11:54:53 PM
robots temporarily by lagsh
Friday, July 21, 2006 @ 11:41:25 PM
heroism is NOT dying while fighting, but fighting wisely while living and staying alive.

if you don't want to be a robot, you must be filthy rich already to not be under the system.

the question is: when people enter the system, how can you tell that that's already their goal in life?

personally, i will surrender myself to the system first. to gather resources. power even.

then i become human, and help others be.

www.lagsh.com


  • I'd rather be.... by apocalypse on Saturday, July 22, 2006 @ 02:05:11 AM
    • too punk by lagsh on Saturday, July 22, 2006 @ 08:49:16 AM
      • Re: strategist by tigerbomb on Wednesday, July 26, 2006 @ 02:17:09 PM
      • Re: by outsighthere on Monday, October 02, 2006 @ 08:56:44 PM
Re: sana makatulong by pusang_gala
Sunday, July 23, 2006 @ 04:08:44 AM
"there is a nobler ambition in life than merely to stand tall in the crowd, and that is to stopp down and lift the human race a little higher."

bagong graduate lang ako (sadly hindi ako from up). galing ako sa isang pribadong paaralan na pina patakbo ng mga kleriko-pasista sa maynila. tulad mo sinubukan ko ring maghanap ng trabaho. ngunit naisip ko, maaatim ko ba na pumasok araw araw at magsilbi sa kapitalista habang malawak na masa ang patuloy na nagugutom?

siguro alam mo na kung ano ang pinili ko.. :]

internal naman lagi ang mapag pasya.

at kaya nga tayo narito..para masiguro na magtatagumpay ang rebolusyon.

padayon!


Here's the irony... by elfili
Sunday, July 23, 2006 @ 06:10:47 AM
Ang sistemang iyong kinamumuhian ay ang sistemang tumustos sa iyong pag-aaral. Silang mga nahigop na ng sistema ang kinakaltasan buwan-buwan upang sustentuhan ang akademiyang humubog at patuloy na humuhubog sa mga katulad mo.
<br><br>
Kung kaya't 'wag kang mag-alala. 'Wag kang masyadong makonsenya. Magpaka-puta ka man sa sistema, alam mo naman na doon sa binabawas mula sa kakarampot mong sahod ay may napupuntang pang-tustos sa marami pang darating na katulad mo.
<br><br>Ang nakapagtataka ay bagama't alam nyo na kulang na nga kayo sa dami upang labanan ang sistema, ay bakit umiiwas kayong malamon ng sistema? Hindi ba't mas mainam na mapuno ng mga katulad nyo ang sistema upang mas malabanan nyo ito mula sa loob?



Re: by mysuperior
Monday, July 24, 2006 @ 02:45:32 AM
I totally understand what you mean.

But one way to look at it is that the system you're talking about is just an appropriation of the work of lots of people. And you don't expect everyone to just quit, do you? Naturally, they'd be inside the dominant system unless challenged.

So one hoax they're trying to sell, is that capitalism is not the work of millions of workers. But it's the workers' product as well, only appropriated towards elite ends and subjugated/hierarchical means.

So unless everyone else lives in a cave to escape 'the system,' unless they don't have to care about raising families, you also have to think about what that means.

Surely, for example, you wouldn't flaggellate yourself when you become a farmer because you're perpetrating a feudal system? You have to make a living after all, and perhaps you like working on the land.

The interstices of struggle are everywhere. No one has to live on Mars because the world is ruled by a perceived oppressor. This is your world, the workers' world, too, Claim it. Everyewhere.










Re: naman by dope
Tuesday, July 25, 2006 @ 04:05:20 PM
wow.. ang tindi ng mga discussions.. well everyone is entitled to their own choices naman tlaga. however, there will always be a general truth on what is the best and right thing to do..

panu na lang kung walang mga full time, sino ang magpapatakbo ng mga nasabing organisasyon dahil sa totoo lang kailangan tlaga ng mga tao na gagawa ng mga pang-araw araw na gawain mula sa pinakamaliit hanggang pinakamalaking bagay. kaya somehow, hindi rin pwedeng i- undermine ang mga nagfufull time. dahil full time nga sila, nandiyan ang trabaho at oras nila na alam nating malaking kaibahan kung part time lang. kasi kung full time ka 24/ 7 expected ang dedikasyon mo..

now, dun naman sa mga part- time lang ang kayang ibigay, minsan hindi rin ito kailangang pagtalunan. dahil hindi rin maisasantabi na kaya kailangang magtrabaho dahil may mga pangangailangang tugunan kagaya ng pamilya, pag-aaral, etc. somehow may mga external factors din na hindi basta maisasantabi. pero hindi ito ang katapusan ng kahalagahan nila sa reb.

ngayon, gusto kong malaman ninyong lahat na ito ang ikinaganda ng rebolusyon [oo, mangayayari ito! ] : DYNAMIC nga kung tawagin. ibig sabihin maraming pwedeng gawin, lahat ay may puwang sa pagtulong.. full time ka man o hindi.. at madalas na sinasabi sa atin na 'tumulong sa abot ng kakayahan'..

kung walang mga FT, paano na ang pang-araw araw na gawain ng org; kung wala rin namang mga middle forces, wala rin malawak na pwersa na susuporta sa reb. ; at kung walang mga nasa bundok, panu na ang labanang militar..

huwag kalimutan ang simple equation na ito na itinuro sa ating lahat sa pag-aaral ng CLASS ANALYSIS:

pesante at workers+ PTB+ NB= positive force for waging a revolution..

plus, secondary contradiction lang ito [awayan ng mga postive forces] .

ang primary ay ang: POSiTIVE FORCES vs. Big Despotic Landlords, Big Capitalists and Imperialist.

Peace sa lahat. at magkaisa tayo at magsakripisyo sa abot ng ating kakayahan alang- alang sa ikakapanalo ng reb!





Simple lang ang kasagutan dyan... by Oneiros
Thursday, July 27, 2006 @ 08:48:16 PM
"Ayoko ko kasi maging isang robot at alipin ng bundy clock. Ayoko maging bahagi ng dambuhalang assembly line ng mga kompanyang multi-national. Ayoko maging sunod-sunuran sa mga alagad, propeta at mga pantas ng kapitalismo."

E di wag. Nung kapanahunan nang nanay ko, ang uncle ko ay isa ring "mulat" na katulad nyo. Ilang dekada ang lumipas, ang ilan sa mga kapwa nyang mga "mulat" na dati nyang kasa-kasama ay nagtratrabaho na ngayon sa gobyerno at multi-nationals. Ang uncle ko? Hindi sya nagpadala. Nagtuturo sya hanggang ngayon sa UP. Sumama ka na lang sa academia tsong kung di mo talaga ma-atim ang pagka-asimila sa "sistema".

Ang lahat ng rebolusyon ay nagsisimula sa isipan.

Ako? Nakikita ko kung papaano gumagana ang makina ng dominanteng idelohiya at mas bilib ako sa kanya kaya't mas pipiliin kong maging mekaniko ng makinang ito. Magkikita-kita na lang tayo sa simula nang rebolusyon, sa frontline ng digmaan.


Re: soooo UP! by katbamper
Friday, July 28, 2006 @ 04:39:50 PM
grabe naaalala ko yung mga columns sa "kule" nung ako'y kolehiyo pa. ang galing ng pagakakapili ng salita at pagkakagamit ng tagalog! anyway, this artik reminds me of "v" for vendetta. rebolusyon? hmmm nakaka-excite namna yun...ano kayang mangyayari? sanabongga rin kagaya nung sa movie ng vendetta...hehe


astig!!! by chemist_par_excel
Friday, July 28, 2006 @ 09:16:48 PM
been there, felt that...nagresign ako sa dating trabaho kahit na alang kapalit kasi indi ko na kaya ang talamak na kabuktutan na nakikita ng aking mga mata..ayokong maging bahagi ng mga panlilinlang..sabi nila, indi pa ganun katibay ang loob ko..masyado daw akong nagpapaalipin sa ideyalismo..okay lang..at least intact pa din ung prinsipyong baun-baon ko ng lisanin ko ang eskuwelahang nagturo sa akin na di nabibili ng pera ang respeto..pagkatapos ng ilang buwang paghahanap, nakatagpo muli ako ng trabaho..indi siya multinational pero malupit din ang pamamalakad..sa ganun din pala ako babagsak..hanep ang PR ng HR..nadala ako sa matatamis na salita..hmmm, ayon sa company rules, 30 days before ang submission ng resignation..titipahin ko na ba ang aking resignation letter?:)


Re: by vera
Sunday, August 13, 2006 @ 10:07:41 AM
interesanteng basahin ang post mo, pati na ang mga komento, at maliliit na debate that is sparked by it.

ako rin, ngayon ay nagpuputa na. nagtatrabaho sa isang kompanyang mas maraming dayuhan ang nakikinabang. pero ang totoo, masaya ako. hindi lang dahil sa sweldong tinatanggap sa tuwing ikalawang linggo, pero sa trabahong mismomng ginagawa ko. kaya kung tutuusin, hindi naman ito pagpuputa para sa akin.

habang nasa unibersidad, maliban sa pagrarally, aktibo rin ako sa mga NGO. likas na altruistic rin gaya mo. paglabas ng university, sa NGO pa rin ang diresto. mas mahalaga ang serbisyo over money. to know that i loved what i was doing, and that yes, i was helping to change the world, kahit na para sa mga batang tinutulungan namin, that was enough.

pero kahit yun, paglao'y naging lumang tugtugin na rin. hindi nawala ang ideyalismo. hanggang ngayon buhay pa rin. pero, aaminin ko, may panahong dama ko na parang un ang pagpuputa: ang manatili sa mundong un dahil un ang inaasahan sa akin.

pasensya na, napahaba. gusto ko lang naman sabihin, great post. :)

darating rin ang rebolusyon. pero dapat, kaakibat nito ang rebolusyon sa bawat isa. ikaw, maaaring ako, ganap na ang rebolusyon natin, kaya naghihintay tayo. para sa iba, hindi nila maintindihan ang sense sa paghihintay sa rebolusyon dahil hindi pa nila naranasan sa kanilang sarili.


me sinabi diyan si conrado de quiros by aleph_14
Monday, August 14, 2006 @ 12:15:15 PM
sabi niya, it's the everyday struggle that will test our idealism

quote ko lang:
"Equally, as you grow older and are thrust into the so-called "real world," your idealism will be challenged by what passes for realism, or pragmatism. You insist that senators vote on bills according to their conscience and not according to blind loyalties, and you will be laughed at as being naïve. You insist that public officials use taxpayers' money for the taxpayers and not for kin and friends, apart from themselves, and you will be belittled for being innocent. You push for a candidate who is fairly honest and upright over one who is patently inept or crooked, but who is immensely popular, and you will be snickered at as living in another world. This "realism," enforced through family ties, through fraternity loyalties, through circles of power, calls on you not just to understand the rules of perfidy but to play by them.

But-and this is the terrifying but-slowly, unwittingly, unconsciously, you could start yielding to its subtle allures. What is terrifying about it is that you are never really aware when it happens."

full text of the speech can be found here:
http://bukassarili.org/Members/dequirosyouth.asp


  • Re: by outsighthere on Monday, October 02, 2006 @ 09:03:15 PM
Re: yo! by halchi
Friday, December 15, 2006 @ 02:18:47 PM
your enrty is a perfect picture of how life looks like after years of idealism in UP. I feel so bad because we really can't apply all theories that we've learned in school.


[No Subject] by moon_siren04
Friday, February 02, 2007 @ 04:48:07 PM
Kanya-kanyang opinion naman yun kung pagpuputa ang pag-tatrabaho. Sa mga ayaw magpalamon sa sistema, sa mga kalaban ng kapitalismo, pagpuputa nga, kasi ipinapalit nila ang katawan at paniniwala para sa pera. Working for the same system they are fighting. As in selling their souls.

Pero kung gusto mo naman yung trabaho mo, matatawag nga bang pagpuputa yun? Siguro hindi, kasi you are doing it for the love of the job, the pay is just a "fringe benefit".

Kung ikukumpara sa mismong term na ginamit, di ba ang "puta" ay nakikipagsex para bayaran siya at mayroon siyang ikabubuhay, and she would rather not do it if there were other ways of earning a living. Kung gusto mo lang naman talagang makipag-sex, at binigyan ka ng regalo, pera o nilibre ka ng dinner, e di thank you very much.


a little too late maybe by kwentongkwarto
Wednesday, February 07, 2007 @ 09:06:44 PM
we live by our idealism when we are in college, not really knowing on how it would apply to the real word. we see what should be, and what should not be, thus trying to find a perfect solution to a rather complex problem.
im not sure if you could consider me as an activist, but i do believe that we need change in this society.
but then, its not the only struggle that we need to fight for, first of all, we need to live in order to push further. why choose to die when you can choose to live? you can do more when you are still breathing.
while waiting, the best thing that we can do is stay alive, while still fighting. and by staying alive, it means finding ways to live, even if it means working for those who we actually are trying to pull down.
by working for them you dont actually throw away your idealism, you're just trying to stay alive and waiting for that one time when we are stonger again. you will never lose your idealism unless you let it.
and if you're afraid to apply for a company just because their idealism contradict yours, then the problem is not the company itself, its you. because no matter what idealism the company holds, it can never change you unless you let it. maybe you're just not sure with what you believe in that you fear going to the lions den.


Re: by MissFancyFire
Thursday, June 07, 2007 @ 12:03:01 AM
magturo ka na lang... teachers are still free to become idealists.. di ka pa malalamon ng sistema na sinasabi mo. <b> at walang bunday clock ang pagtuturo!<b/> heheheh


Re: buhay nga naman.. by maron
Wednesday, June 20, 2007 @ 04:47:59 PM
madali lang ang buhay kung sasabay ka sa mga agos nito ngunit dahil mayroon tayong mga prinsipyong gumagabay at pinaniniwalaan ntin, 'we go against these norms'. and sometimes, the hell do we care!?

..pero konting tiis lang, kaibigan, sadyang ganyan talaga ang "tunay na kalakaran ng buhay"

nice article..


Re: by andrew
Monday, June 25, 2007 @ 04:54:18 AM
Ang mahalaga'y tayo'y nabubuhay at may paninindigan...


[No Subject] by gigs
Thursday, August 02, 2007 @ 10:45:07 AM
Ang ganda nga ng artik. nakakarelate ako. totoo, kapag studyante ka pa, idealist ka pa. ngayong nagsimula na akong mgtrabaho, iba na ang lahat.


  • Re: by apocalypse on Sunday, December 02, 2007 @ 06:27:24 AM
Re: by elson
Thursday, September 13, 2007 @ 04:49:13 PM
pag nagtagal ka sa iyong kakatiis, baka maging manhid ka na sa iyong konsyensya. tama, dapat labanan ang sistemang bulok, sa lahat ng maliliit na paraan na kaya natin. kung hindi natin maiiwasan magpakain sa sistema sa isang aspeto, wag sumuko, isingit ng isingit ang laban habang may mapapagsingitan ito sa ating buhay. at ang pinakamahalaga sa lahat, wag isalimot ang mga kamulatan na alam natin, ikalat ito sa iba para balang araw, maabot na rin ang lahat ng kamulatan.

mahirap manalo sa mundong ito, ito ang mundo kung saan prinsipe si satanas at kailangan nating umabot sa Diyos para maiayos ang ating buhay sa loob at labas. pero hindi dapat tumigil sa pag-mithi ng pagsasaayos ng mundo. "be perfect, just as your father in heaven is perfect" sabi nga ng Matthew 5:48. kumbaga, wag itigil ang pagmithi ng kaayusan, laban lang ng laban. hindi tayo mananalo ng buo kailan man, pero hindi tayo dapat tayo magpatalo.


Re: Tuloy pa rin... by -spidermaniac-
Thursday, November 22, 2007 @ 11:41:43 AM
haha... dami ko sinalihan na rally noon... nariyan ang vfa, oil price hike, budget cut, erap. sa us embassy, senado, kongreso, edsa, plaza miranda, lawton, rotonda at mendiola.

ibang iba talaga nun estudyante pa... and ini-intinde lang ay exams, projects at mga paninindigan. pero ngayon ulti mo pang text kailangan mo isipin kun san ka kukuha.

nagtatrabaho ako ngayon para sa isang MNC, 2 beses nakapunta sa US at China... 2 magka-ibang mundo?... ngunit sa maniwala kayo at hindi halos wala silang pinagka-iba

masarap mabuhay sa pangarap, kay sarap isipin na aahon sa kahirapan ang ating bayan at magbabayad ang mga suwail na lapastangan. ngunit sa tuwing gigising ako kailangan pumasok at magtrabaho para mabuhay, para rin sa aking pamilya. ayaw kong lamunin ako ng sistema ngunit lahat tayo ay may pangangailangan

malaki ang hangad ko para sa bayan, ngunit nais kong unahin ang aking pamilya

gayunpaman ako ay kasamang maghihintay


  • Re: by apocalypse on Sunday, December 02, 2007 @ 06:24:50 AM
Re: by karamorsify
Tuesday, May 13, 2008 @ 02:42:13 PM
ang gandang artik.

naalala ko tuloy ang sariling pakikipagdigma 2 years ago. meron pa din naman alab na natitira sa ngayon pero sadya kong piniringan ang sariling mata at tinakpan ang dalawang tenga.

nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan.

dati, nung estudyante pa, malaya kong nagagawa ang kung ano man ang sinasabing prinsipyo ko. dati, ang pakikipagdigma ko ay para sa tao, dahil malamang may nakikipagdigma din para sa sarili at sa mga minamahal ko.

nang mamaalam sa lilim ng unibersidad, di ko napaghandaan ang riyalidad.. na kinakailangan ko rin palang lumaban para sa ikabubuhay ng mga mahal sa buhay. masayang tanawin ang magandang bukas, kaya't di ako nagdalawang isip na makipagsapalaran. nakalimutan kong kinakailangan ko ring mabuhay sa kasalukuyuan para sa mga higit na umaasa.

higit sa sarili, mas mahirap kalabanin ang prioridad. sa ngayon, alin ba ang mas matimbang? ang salabahin ang pangangailangan ng pamilya o ng ibang pamilya? ang hirap mamulat sa katotohanan kaya't kinandado ko ang sariling kamulatan sa kung ano ang nararapat at karapatdapat.

sana ilang taon mula ngayon, makakaahon din tayo at magwawagi sa masalimuot na pakikipagsapalaran.


Re: variables by shoelace
Thursday, June 12, 2008 @ 02:30:00 AM
there are many ways to kill a cat. whatever way it is, that's fine... as long as it ends up dead. :)


Re: masarap na mahirap magputa by ruel
Wednesday, June 18, 2008 @ 05:59:06 AM
masarap na mahirap magputa. 4 years na ko na grad from UP and yes I have had my fair share ng pakikibaka. Yun nga lang, pagkagraduate mo, dun na din magsismula yung pagpasok ng sangkatutak na responsibilidad. Andyan na yung pagsusuporta sa batang kapatid para makatapos, andyan na yung bayad sa renta, kuryente, tubig, pambili ng kasuotan, pagkain, at kung anu anu pa. What more sa mga taong may responsibilidad i.e. anak?

Gusto ko yung sinabi mo na ayaw mong maging alipin ng bundy clock. Totoo nakakasuka! Pero personally, mas masusuka ko kung makikita ko na tambay ang kapatid ko, pinapalayas na ko sa tinitirhan ko dahil walang pambayad, nangangatal na ko sa gutom o nagiging pabigat na ko sa pamilya ko. Selfish kung selfish pero in the first place, pamilya ko ang nagpadala sa'kin sa pamantasan para matutunan ang depinisyon at konsepto ng kapitalismo, aktibismo, at kung anu anu pang -ismo.

We make our own choices, we discover our own purpose. If you are "nasusuka" in entering the jungles of Makati or Ortigas at that early stage, I suggest you stay in Mendiola or climb Mt. Hibok Hibok and continue hollering til kingdom come.

And by the way, I don't agree with digmaan or rebolusyon or whatever you want to call it. Ano nga ba kwalipikasyon ng isang masaya at magandang mundo? Kung digmaan ang sagot mo, ako hindi. Nirerespeto ko ang nais mong ipahatid. But i'd rather face the reality.


[No Subject] by glenskie
Friday, September 19, 2008 @ 10:49:17 PM
wow. a breath of fresh air sa (mostly) burgis na diskusyon at points of view sa peyups.com.

matagal / madalas ko na ring naisip yan, na ito na ba yon?? ito na ba ang real world na inaasam ng mga taong pumapasok sa unibersidad?

'Darating din ang rebolusyon.'

totoo, napakasarap pakinggan nito. pero una't una pa lang, sinabi na sa 'kin na malamang we won't live to see it. pero that doesn't diminish the importance of what we did/are doing.

sobrang dali kasing magpalamon na lang sa sistema, kahit gasgas pakinggan. parang minsan walang alternative. kahit ang mga kilala kong aral at lubog sa mga ibang ideyolohiya, walang pagpipilian. 'pag ganun, e ano ng mangyayari?

sa pagbabasa ng article mo, naisip ko may isa pang paraan: manatili sa toreng garing ng akademya. kahit ilusyon lang ang ideyalismo rito, parang mas mainam pa rin kaysa lumabas.

pero tama ka, masarap isipin na balang-araw, at isyu lang ng kailan at hindi kung matutupad, ay lalaya rin tayo.


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.