Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 261 users online.

Column Tembtation : Mga kuwentong ibinabalik ng PBB Teen Edition
Contributed by tembarom (Edited by alteredbeast)  
Friday, May 26, 2006 @ 05:55:28 PM
Print | Send

Kahit disappointed ang marami sa atin dahil walang taga-UP sa Pinoy Big Brother Teen edition, nakapagpapaalala naman ito ng karanasan at panahon ko sa Peyups nating mahal.

Napanood ko ang pagpakilala sa teen housemates, at naalala ko ang pagpasok ko sa UP. Big deal 'yun sa akin at sa mga kamag-anak ko sa Marinduque--kung paanong malaking bagay rin sa mga pamilya ng mga bata ang pagiging teen housemates nila. Sa libu-libo ba namang nag-audition, sila ang napili. Para silang nakapasa sa UPCAT!

Nang pumasok na sila sa loob ng bahay ni Kuya, nag-replay naman ang aking pagdating sa Kalayaan Residence Hall. Bagong paligid, malayo sa pamilya, may mga bagong kasama.

Siyempre, sa dorm ay may mga sikat. Mga heartthrob ng bayan: magaganda't guwapings, sikat at kinaiinggitan, at meron ding mga feeling lang. Parang sa PBB house, may Kim Chiu at Gerald Anderson, at may Nina Atienza at Joaquin Mendoza. Sa Kalayaan, noo'y mayroon ding mga nagtatawag ng atensiyon-- kumbaga sa PBB house, parang sina Bam Romana at Clare Cabiguin. Mayroon din namang mala-Jamilla Obispo: tahimik lang, pero sa murang edad ay pinanday na ng karanasan, o Brenda Fox, na di mo akalaing may itinatatagong kakaibang talent. Mayroon din namang dahil sa pagka-homesick, umuwi na lang sa kanila.

Sa mga unang araw ng teen housemates sa PBB house, naalala ko naman ang mga unang araw ko sa UP: sobrang takot sa tao, ayaw makihalubilo, insecure, praning. Sa mga klase sa AS, doon ako umuupo sa malapit sa bintana, at mga apat na upuan yata ang pagitan ko sa katabing kaklase. Parang Aldred Gatchalian, di ba? Yun nga lang, 'di gaya niyang nag-voluntary eviction, nanatili ako sa UP. Saka sa halip na dimples, pimples ang nasa mukha ko noon.

Iniwasan ko ang CAT noong high school dahil lampayatot at mahina ang katawan ko. Pero pagdating sa kolehiyo, wala na akong lusot sa bulyaw ng mga ROTC officers na mala-Fred Payawan ang porma. Pero buti nalang, laging masaya ang platoon namin dahil maraming komedyante at masang-masang tulad ni Matthew Evans ng bahay ni Kuya.

Makalipas ang isang semestre sa UP, nakakilala ako ng mga aktibistang palaban, para bang tipong Mikki Arceo ang dating, pero sa huli'y nalaman kong may mga coño rin pala: sa asta lang pala tunay, militante at makabayan.

Sa UP, marami kang mapagpipiliang orgs. Sumali ako sa UP Journalism Club. Doon, may orgmate kami na naaalala ko ngayon kapag napapanood ko si Olyn Membian.

Sa palagay ko, ang PBB ay nakapagpapaalala sa akin ng UP dahil gaya ng napaka-diverse na pamayanan ng pamantasang hirang, ang bahay ni Kuya ay kumukupkop sa iba't ibang karakter. Gaya nga ng isinulat sa Tinig.com ni Madel Montejo, dating punong patnugot ng Tinig ng Plaridel ng MassComm: "... ang PBB housemates ay kumakatawan sa bawat isa sa atin. Microcosm of Philippine society, ika nga. There is always a Cass, Uma, JB, Say, Chix, Rico, Jason, Jen, Nene, Bob, Raquel and Franzen in all of us, in our community. Sila ang sumasalamin sa bawat isa sa atin. Iba't iba ang ugali, iba't iba ang dynamics ng social interaction."

Samantala, sa mga naiinis pa rin dahil walang taga-UP sa teen housemates, 'yaan n'yo na. Mga bata pa naman ang mga iyan. Tingin n'yo ba, ang valedictorian na si Aldred, mag-a-AMA na lang nang di muna sinusubukan ang UPCAT? Saka malay natin, ang Atenistang Mr. Academics na si Mikee Lee, gayahin si Bikoy--na piniling maging "a man for others" sa pamamagitan ng pagiging iskolar ng bayan!



###############


Column - Tembtation

Related links
Ederic@Cyberspace
Tinig.com






Tembtation : Mga kuwentong ibinabalik ng PBB Teen Edition | 12 comments
 

Re: go!!! by ashterr
Friday, May 26, 2006 @ 06:59:51 PM
PBB teen edition? Sa tingin ko kaya walang taga-peyups na nagjoin, kase busy sa studies... kase baka abutan ng pasukan di ba?

Pero siguro naman may mga nag-attempt. Though naisip siguro nila na mas mahalaga ang UP. Kase if ever nakasama sila don, i-gi-give up nila ung UP dahil kailangang magfocus sila sa so-called "career" nila.

First post sa wakas!


  • Re: by tembarom on Saturday, May 27, 2006 @ 08:26:32 AM
Re: hindi din diguro by allergic_gal
Saturday, May 27, 2006 @ 02:45:34 PM
hmm.. yung sa PBB First Edition, medyo nakita ko pa yung diversity ng mga housemates. pero dito sa PBB Teen Edition, hindi gaano. Una, lahat ng teen housemates ay kabilang sa middle-upper class. so, sana mas naging exciting kung may galing talaga sa hirap dba. Pangalawa, halos lahat sa kanila ay may pangarap mag-artista. yung PBB nga ang ninanais nilang maging stepping stone dba.. gawin daw bang SCQ ang PBB. Pangatlo, lahat sila ay may face value at inaasahang hatak sa masang Pilipino. Syempre nga naman, para malaki ang audience share ng PBB, hindi ka dapat masyadong maging risky sa pagpili ng housemates, medyo on the safe side dapt, yung tipong either pwedeng-pwedeng mag-artista, o kaya naman yung may "awa factor".

IMO lang.


  • Re: by tembarom on Saturday, May 27, 2006 @ 07:38:28 PM
Re: kasi naman... by nyra
Wednesday, May 31, 2006 @ 05:28:08 PM
wlang peyups sa bahay ni kuya kasi
the contenders age ranges only from 16-17..
tapos yung mga college na, puro nursing!!
bilib naman talaga ako kung isa sa nursing student ng upm sumali pa jan.nyahaha..
yaan nyo na kasi si asia a. from up naman..
panghost tayo..

itong pbb edition lang ang pinanood/pinapanood ko,
i dont know why, so i just cant compare them from the other pbb editions.
pero pansin ko ring parang halos they
belong lang to one stereotype.
mga half-blooded, mga from broken families,
mga nagaambisyong maging artista..
pero, i think, i easily distiguished each one from the group kasi may pinapakita
silang trait na sila lang meron.
sana may sinali silang sobrang relihiyosa, eccentric,
or di kaya wizard na mudblood (ay muggle-born pla).
yung kay aldred pala, naexperience ko rin yun,
psychological depression, period of adjustment
lang yun.. hay... ba't naman di nya kinaya..
tayo nga, 5 months before sembreak, 5 months
bago makita uli ang pamilya.(sabagay, allowed sa
tin ang txt-txt)


  • Re: by tembarom on Thursday, June 01, 2006 @ 05:26:44 PM
magkababayan pala tayo.. by prisoner
Monday, July 03, 2006 @ 11:26:10 AM
ahehhehehe..natuwa lng ako.. isa ka pla sa mga hinahanap ko.. isang isko at marinduqueño, rolled into 1...hehehehehe...
ayos toh..NGANI?


  • Re: by tembarom on Wednesday, September 13, 2006 @ 06:22:47 PM
Re: Umm... by PhEiDs
Friday, August 11, 2006 @ 06:44:21 PM
Hindi ba nauso noon ang text na dapat daw ay ang mga kasama diyan ay ang mga ss:

Prosti
Adik
Nabaliw sa pag-aaral
Tambay sa kalye
Nursing student
High School Drop-out
atbp...

Pakiramdam kasi ng mga tao ganyan na ang kabataan...

Tandaan din natin ang unang pinanggalingan ng terminong "Big Brother".

Ang terminong ito ay nag-ugat sa "Big Brother" ng libro ni George Orwell na pinamagatang: 1984.

Ang Big Brother na tinutukoy sa libro ay ang representasyon ng totalitarian na pamahalaan.

Ayun lang...
-freshie from UPM


  • Re: by tembarom on Wednesday, September 13, 2006 @ 06:23:49 PM
 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.