Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 214 users online.

Writings Payong Kaibigan: From the point of view of a Pink Pucca Umbrella
Contributed by reiji_8 (Edited by amplifier)  
Sunday, September 18, 2005 @ 12:00:34 AM
Print | Send

Takot ba ka bang mabasa? Baka isa kang gremlin na mag-mu-multiply asexually kapag nabasa? Sa totoo lang, napakahirap talaga magpaka-sipag lalo na pag pasukan dahil ito rin ang simula ng tag-ulan.

Ang hirap bumangon. Puyat pa naman ka pa naman kagabi kakapanood ng mga korean telanobela sa Arirang channel sa cable. Ang sarap pa namang matulog, sa panaginip mo eh nandun pa naman si Sandara. Parang ayaw mo ng gumising ngunit kailangan dahil first impressions last. At ang taong magbibigay sa iyo ng first impression eh makakasama mo ng mahaba-habang panahon... isang buong sem.

Ang hirap maligo. Pila-pila kayo sa pag-init ng tubig. Ang typical na isang oras na pagaayos mo sa iyong sarili eh nagiging isa't kalahating oras. Ala siete y medya pa naman ng umaga ang una mong klase. Naghihintay ka kanina pa ng mag-a-announce ang CHED na suspended sana ang klase. Ngunit, wala kang choice, elementary at highschool lang ang napagbigyan.

Lumalakas ang hangin, at dumadagundong ang hagulgol ni Inang Kalikasan. Swak na swak pa naman dahil Lady Lee ang pangalan ng bagyo. Na kwento sa akin ng teddy bear mong nabubulok na sa aparador na crush mo daw siya noong kinder ka. He, he, nag-bibinata daw ang alaga niya. Buntong hininga pa niya sa akin na miss na miss na daw niya ang mga panahong niyayakap mo siya bago ka matulog.

Ngayon daw eh bihira ka na lang niyang nakikita. Tuwing gabi na lang at minsan habang nakikipag head jam ka pa sa mga nakaka-bingi mong tunog. Minsan sinumbong din niya sa akin na may kinakalikot ka daw sa iyong shorts habang ni lock mo ang kwarto habang may binabasa kang magazine. Magazine na tipong tinatago sa brief drawer mo.

Dati daw bago ka pumasok sa school hinahalikan mo daw siya. Ngayon, isang poster ng beer na may babaeng halos walang saplot ang hinahalikan mo bago pumasok sa eskuwela at bago matulog. Na mi-miss ka na daw niya.

Nakipag agawan ka sa kuya mo kung ano ba sa aming mga payong ang gagamitin. Naiwan kasi ng bunso niyo ako at nagamit niya ang paborito mong jacket. Naunang nakaalis ang kuya mo bitbit ang katukayo ko na inyong pinagaagawan. Wala kang choice kung hindi gamitin ako.

First impressions last. Gusto mo pa naman maging maangas. Gusto mong mag-intimidate ng mga aanga-angang freshmen. Rocker na rocker pa naman ang dating mo. Che Guevarra t-shirt at fatigue pants ka pa naman. Bagong laba pa naman ang converse mo.

Ayaw mong mabawasan ang angas mo. Kailangan mong maging cute kasi baka may matipuhan kang freshman. Naglipana pa naman ang mga tipo mong Koreana, baka makahanap ka ng kamukha ni Sandara.

He, he, pero nandito ako para sirain ang get up mo!

Takot kang buksan ako dahil mababawasan ang pagkalalake mo. Binibilisan mo ang pag-lakad at halos inumpog mo ako sa sahig ng jeep dahil ikinakahiya mo ako. Naasar ka sa iniisip ng ibang tao, pero hindi mo alam na sobrang preoccupied sila sa ulan para ikaw ay pansinin.

The world doesn't revolve around you... you... you... self-centered bastard!

Pagkadating mo sa school hinampas mo yung ulo ko sa pader at sinadya mo akong untugin nung ako'y iyong nilapag sa isang tabi ng classroom mo. Sana magkasakit kang walang hiya ka. Pagkatapos kitang iligtas sa ulan ganito ang igaganti mo sa akin. Bakit kasalanan ko bang maging isang kulay pink at may disenyong Pucca na umbrella? Akala mo ba mas okay ka pag naka-jacket ka? Hindi no, dahil mas ayos ang proteksyong aking binibigay kapag umuulan. Aber, pwede ka bang mag-jacket kapag summer? Hindi no.

Poetry pa naman ang class mo. Ulol! Eto't may nasulat tuloy akong tula para sa yo!

Sa init ako'y nilalabas, ang pawis ko'y di tumatagas.
Sa patak ng ulan, luha ko'y di umaagos.

Sala sa init, sala sa lamig.
Kulang sa pansin, nakalapag sa sahig.

Kulay pink man ang aking kulay. Ako pa rin ay may silbi.
Nakatunganga sa langit, nakatupi sa tabi.

Sigurong talagang makapal ang aking mukha.
Sa init, sa lamig di ako lumuluha.
Hindi man ako nagkakasakit, ako man ay nasisira din...




###############


Writings

Related links






Payong Kaibigan: From the point of view of a Pink Pucca Umbrella | 59 comments
 

ayus! by psylocke
Sunday, September 18, 2005 @ 12:07:16 AM
ok ah! natawa ko! buti pa yung payong marunong mag-isip "you... you.. self-centered bastard"!

ang angas nga ng payong eh.. di mo ba alam na pink is punk?! heheh..

ayus talaga! pahiram ako ng payong mo!


  • hindi pwede! by reiji_8 on Sunday, September 18, 2005 @ 01:37:53 PM
Re: hehe. orayt. by latecomer
Sunday, September 18, 2005 @ 12:15:48 AM
naloka naman ako dito. ayus.

bigla ko tuloy naisip kung pano ko tratuhin ang payong ko.


Re: reminiscing by redgistered
Sunday, September 18, 2005 @ 02:08:56 AM
hehe... ok ang artik, naalala ko tuloy nung college days ko na di bale ng mabasa sa ulan kaysa sa gamitin ko yung payong na may tatak na AVON na pagkalaki-laki. hehe, pero mas malupit ang payong mo, pink na, may pucca pa.


blue payong by labs
Sunday, September 18, 2005 @ 04:18:36 AM
nakakatuwa naman, nagulat ako...mukhang bagay sila ng babay blue payoong ko...


Re: galit ako sa payong by yahm
Sunday, September 18, 2005 @ 10:18:46 AM
hahaha...naalalako sarili ko. kinatatamaran ko kasi ang pagdadala ng payong. Ang laking sagabal at pampasikip sa bag. madalas mas pipiliin ko pa ang mabasa ng ulan kaysa sa gumamit ng payong lalo na kung ito'y kulay "pink"...heheheeh..


Re: hanep by bloodberry
Sunday, September 18, 2005 @ 12:24:14 PM
bwehehehe!! okay ah.. ayus artik!! well, cute nga pink eh.. hehehe.. iba nga nakakasuot ng damit na pink payong pa kaya.. hehehe.. buti indi neon pink.. hehehe..


salamat sa mga comments! by reiji_8
Sunday, September 18, 2005 @ 01:34:26 PM
medyo naloka nga ako ng konti nung isinulat ko ito... tandang tanda ko pa noon, nabasa ako sa ulan kasi hindi ako nagdala ng pink na payong na may design na pucca :)


nakakabawas ba ng angas pag nag payong ang isang lalaki? by reiji_8
Sunday, September 18, 2005 @ 01:35:53 PM
yun lang...


  • Re: not really.. by milk_shake on Sunday, September 18, 2005 @ 11:28:14 PM
    • Re: by supahsushi on Wednesday, September 21, 2005 @ 10:26:36 AM
  • Re: by midnightmadness on Wednesday, September 21, 2005 @ 07:11:40 PM
Re: wala lang!! by bittersweetnumb
Sunday, September 18, 2005 @ 03:35:19 PM
naalala ko tuloy yung payong kong pangmatrona.. flowers flowers pa w/ matching hats.. color pink pa!! hehe.. d ko kc binuksan nung thurs. nakakhiya kc yan 2loy nagkasakit ako nung friday.. hehehe...


Re: mahal ko payong ko by yuri
Sunday, September 18, 2005 @ 06:21:21 PM
mahal ko lahat ng naging payong ko. ang payong ko ngayon pula. walang desenyo. kasi si pucca, nasa bag ko. hehe


Re: ayos! :D by trix_327
Sunday, September 18, 2005 @ 06:24:37 PM
ang ganda ng artik mo. XD
kung ayaw mo nung pink pucca umbrella, akin nalang. :D haha
loves it!!


Re: by reb
Monday, September 19, 2005 @ 02:54:11 AM
umbrella?


Re: by djtwinx
Monday, September 19, 2005 @ 03:23:04 AM
oo nga, bakit nga ba karamihan sa mga lalaki ayaw magpayong??? dyahe ba?? di rin naman siguro. minsan, nakakaabala nga daLhin...pero mas mahirap naman magkasakit...hehe...

astig 'tong article mo...


Re: pinkpunk by dim_witted_gurl
Monday, September 19, 2005 @ 06:28:48 AM
haha! naaliw ako sa artik mo at talagang nakarelate ako kasi kahit babae ako, i won't get myself caught with a pink pucca umbrella. ewan, basta ayoko lang. haha, talaga lang sigurong ayaw kong magpayong. kahit gaano pa ka lakas ang ulan, di ako magpapayong. i'd rather get soaked in the rain. kaya walang masasabi mga ang mga payong sakin. hihi

pero alam mo, astig yung mga lalaking carry ang sarili kahit pink na pucca ang dalang payong. hindi naman siguro yan nakakabawas ng pagkalalake, nasa pagdala lang yan.


Re: pink by beeatch
Monday, September 19, 2005 @ 02:58:03 PM
dude. sabi sa cosmopolitan, it takes a real man to wear pink! What more kung may nakangisi pang mukha ni Pucca.

Eniwey, alam mo bang paborito ni San Chai si Pucca? Malay mo maka-snag ka ng inaasam mong Koreana Freshman sa payong na yan.


Astig 'tong artik mo! by fmontserrat
Monday, September 19, 2005 @ 05:52:40 PM
Mas magaling pa nga yung payong mong pink kesa payong kong gulagulanit. Kahit papaano, protektado ka sa init at ulan. Yung aking payong, paraing 3D model ng mga paintings ni Picasso. Huhuhu...


  • Hwekhekhek by supahsushi on Wednesday, September 21, 2005 @ 10:22:14 AM
Re: nakakatuwa... by Lady_boomerang
Tuesday, September 20, 2005 @ 06:55:02 AM
nakakatuwa naman artik mo.. hehehe...
hay naku, kahit pink at may pucca na design pa ang payong, ok lang pag marunong magdala! in his case, walang kadala-dala.. he's a sef-centered bastard nga! hehehe.. ^nice one! =)


Re: wahihihi by gawrjess_deity
Tuesday, September 20, 2005 @ 08:38:30 AM
ang tarush ng payong mo! d ko kinaya ang powers nya!!!!
alala ko tuloy nung ayaw ko magpayong pag umuulan... kundi rin lang UCB payong ko! ahihihi


Re: by ra1n3y
Tuesday, September 20, 2005 @ 11:47:49 AM
hehehe! nakakatuwa naman itong article mo. isa rin ako sa mga nakaka-relate. nung highschool ako di bale nalang na mabasa at magkasakit ako kesa bitbitin ko yung giant payong namin o kaya naman yung colorful payong na may whistle pang kasama. hehe! oh btw, i love the poem! ;-)



Re: wahehe by kayen
Tuesday, September 20, 2005 @ 01:17:32 PM
mabuhay ang mga payong!


pink pucca umbrella by gitaristap0L
Tuesday, September 20, 2005 @ 03:56:11 PM
ang astig ng payong!! at gumaganito pa: "you... you... self-centered bastard!" waw, to the highest level ang kalidad ng payong... pede arbor? ahehehe


Re: love your umbrella... by fudge_bebe
Tuesday, September 20, 2005 @ 11:25:07 PM
buti na lang mahal ko ang payong ko... hehehe...


umbrelly! by tazshi
Wednesday, September 21, 2005 @ 03:02:48 AM
cool artik!

i love my umbrelly, though. kasi automatic sya. wehehe!;) it's hard to go anywhere these days without an umbrella. before you go out, you would think it's gonna be a bright day. but ooops! the weather suddenly changes. everything turns gloomy.(this usually happens when you're already out and far enough from your point of origin so you can't go back and retrieve your protection.)

i never used to appreciate umbrellas when i was in HS kasi it's such a hassle to bring it around. usually, nawawala pa. pero double purpose nga: "sala sa init, sala sa lamig"

kaya mabuhay ang mga payong! =)


Re: by supahsushi
Wednesday, September 21, 2005 @ 10:19:02 AM
Ayaw nya kay Pucca pero gusto nya kay Sandara...haaay. -_-; Hehe

First impressions last. Gusto mo pa naman maging maangas. Gusto mong mag-intimidate ng mga aanga-angang freshmen.

Ouch. :D

Gusto ko ang iyong pagsisiwalat ng mga saloobin ng inanimate objects! At gusto ko pang malaman ang ibang istorya nung teddy bear. Naalala ko yung isa pang artik, ng isang chinito naman, punto de bista naman ng isang panty yung ginawa nya. Aliw!

Minsan sinumbong din niya sa akin na may kinakalikot ka daw sa iyong shorts habang ni lock mo ang kwarto habang may binabasa kang magazine. Magazine na tipong tinatago sa brief drawer mo.

Yak! Di ko talaga gets ang habit na yan ng mga lalaki..>. Ahem, galing nung artik!


Re: payong by vianney
Wednesday, September 21, 2005 @ 11:50:08 AM
nice artik!sa wakas napansin din ang mga payong!hehehe!


hehe by closet_rebel
Wednesday, September 21, 2005 @ 01:02:57 PM
kaaliw :)


Re: by midnightmadness
Wednesday, September 21, 2005 @ 07:27:23 PM
mabuti na ang pink pucca payong kesa naman pink pucca kapote na parang pang-kinder di ba? we should all be thankful to our payong.hehe


Re: by DooDong
Wednesday, September 21, 2005 @ 07:38:18 PM
Iba ata ang pakahulugan ko rito... hehehe!!!


mahal kasi ang payong! by blue13
Thursday, September 22, 2005 @ 04:43:57 AM
yung payong sa bangketa pang one time lang, kinabukasan may kalawang na, disposable sobra...
nalaman ko sa ladies accesories department ng SM maraming payong for all occasions 200++ nga lang, meron plain black default umbrella na astigin tig 100 un sira na agad after 1 week
hehe kuripot kasi


Re: pahabol by reb
Thursday, September 22, 2005 @ 05:19:11 AM
I am the center of the universe
it revolves around me


Re: wala ka sa payong ko! by ashie
Thursday, September 22, 2005 @ 06:55:36 AM
hehe, alala ko dati. di bale na magkasipon sa paglalakad from AS to Math, wag lang ako makita ng mga tao na gamit yung Metrobank na payong ni mudra! mabuhay ang mga Payong!


Re: by bheybhie_pringle
Friday, September 23, 2005 @ 11:29:02 AM
laugh out loud.... tough man wears pink noh... hahaha....


pink! by prue_06
Saturday, September 24, 2005 @ 12:46:31 PM
in fairness ha , cute ang pink!

nice artik!nakaka aliw.. swak sa tag ulan season!

keep it up!


Re: pink umbrella by cynicgoldfish
Saturday, September 24, 2005 @ 03:40:13 PM
hay naku! miss ko na tuloy ang payong kong pink! nasira na siya. and dami ko pa man ding memorable experience with that payong! astig na article. galing! mahalin mo payong mo. cute nga niya eh!


Re: nice..... by preciouz
Saturday, September 24, 2005 @ 04:23:05 PM
payong lang pala eh......


galing! by charmaine
Saturday, September 24, 2005 @ 10:32:44 PM
ang saya naman nito, tawa ako ng tawa...naalala ko tuloy iyong nanay ko noong elementary kami, lagi kaming pinagdadala ng payong ng kuya ko, umulan uminit... na-mimiss ko na nga iyon ngayon...Anyway, ang galing talaga nito!



Re: rain rain go away.. by mangit_phantom30
Sunday, September 25, 2005 @ 11:31:47 AM

nice one! gaLeng! gaLeng! maLa Bob Ong ang dating ng artik m0h!
you.. you.. you self-centered bastard!!
next time kasi, mag raincoat ka nalang, yung spongebob na yellow!


Re: pengeng payong by nagpupumiglas
Monday, September 26, 2005 @ 02:03:10 PM

hayup! lakas ng artik! bilib ako.
pero pede bang akin na lang yung payong mo?
ayoko ng maulanan..
cliche man, kanta man ng aegis, talagang basang-basa na ko ng ulan..
baka si pucca kaya akong icomfort..
at ung pink ang magbabalik ng kulay sa black and white kong mundo ngyon..
akin na lang, pwede?



  • Re: by yeoj69 on Wednesday, September 28, 2005 @ 07:43:12 AM
Re: ashteeg by booyah_kulit
Wednesday, September 28, 2005 @ 07:50:23 PM
haha.. lupet mo! ashteeg naman yung payong mo.. akin na lang! un nga lang di ako maka-pink.. but at least, i love umbrellas!!


Re: haha! astig! by xHara_00_
Thursday, September 29, 2005 @ 06:37:07 PM
astig talaga tong artic na to.. bagay sakin... i dont care kahit mabasa ako ng ulan, khit may payong me sa bag... tamad talaga me eh... cute naman si pucca ah! =) hehe... nice artic!


nakakatawa ka naman by sijiro_05
Friday, September 30, 2005 @ 06:40:36 AM
nice artik!

napaka-creative ng writing style. naks!


Re: red by simon18
Friday, September 30, 2005 @ 03:54:09 PM
hehe! katawa naman yung artik mo, naalala ko tuloy yung payong ko na red..dati i ayaw ko din mag-payong, pero ngayon mahal n mahal ko na payong ko..mas nakakasira ng araw pag pumasok ks sa classroom ng basa,parang dugyot..hehe..


Re: by excelsior
Sunday, October 02, 2005 @ 12:45:36 PM
haha baklang-bakla sa ulan. sabi ng kabarkada ko, okay daw yung "chick payong" ibig sabihin yung malaking malaking payong. para daw pwede ka makasilong ng iba...kahit siguro pink na pucca yun, ayus siguro. haha!


Re: astig ang pink noh... m/ by Yanie-05
Sunday, October 02, 2005 @ 08:21:52 PM
tulad ng dmit na dating sinuot ni marc abaya... meron akung ganun na ang nakalagay...
"Tough Guys Wear Pink"... astig nga yan eh.. pucca na pink pa!


Re: Payong nating lahat by bwan_lila
Tuesday, October 04, 2005 @ 03:53:20 PM
Uy ang ganda. Naawa tuloy ako sa mga payong. Lagi pa naman ako nakakawala ng payong. Haay naku. Akin na nga lang yang pink na payong mo! Lam mo bang may mga taong tulad ko na lang payong! "you... you... self-centered bastard!"




Re: buti ka nga, may payong... by muzikera
Wednesday, October 05, 2005 @ 10:10:30 PM
ako wala! waaaah! lagi kasing nasisira yung mga binibili kong tig-P60. hehe! pero yung binili ko dati sa AS tumagal naman kaso naiwan ko sa lib. di ko na rin binalikan kasi kinakalawang na. sayang - pink pa naman yun.

"Sana magkasakit kang walang hiya ka. Pagkatapos kitang iligtas sa ulan ganito ang igaganti mo sa akin. Bakit kasalanan ko bang maging isang kulay pink at may disenyong Pucca na umbrella? Akala mo ba mas okay ka pag naka-jacket ka? Hindi no, dahil mas ayos ang proteksyong aking binibigay kapag umuulan. Aber, pwede ka bang mag-jacket kapag summer? Hindi no."

da best ang part na yan! kaaliw! hehe.


Re: still laughing by im2good4u
Friday, October 07, 2005 @ 10:21:48 AM
lol that was good! galing ng mga payong... =9


Re: kakaiba ka... by chuxie
Friday, October 07, 2005 @ 06:04:03 PM
nice nice.. sobra... naisip ko tuloy ano kia sinasabi ng mga hinayupak na payong na yan sakin...? "you... you self- centered bitch" hehe!


Re: pink n payong by hitomi_smile143
Saturday, November 26, 2005 @ 09:43:28 AM
cute nman ung pink na payong ah.. cm8 ko nga nung HS (lalaking lalaki sya ah) puro pambabaeng bag ang gamit nya.. sa ate nya un.. shoulder bag kulay pink, yellow... haha..


Re: lost payong by gerry_girl
Wednesday, February 01, 2006 @ 05:24:34 AM
one day, reresbakan ako ng lahat ng payong na pinasagasa ko sa traysikel, iniwan kung san san o talagang sinira. di ko naman sinasadya. makakalimutin lang talaga ako.

but come to think of it, parang cool nga makakita ng guy na nakapayong ng pink. rockon.


Re: astig!!! by Azumi0513
Wednesday, October 25, 2006 @ 03:10:30 AM
Rock on pare!

hakhakhak

katuwa naman ang artik mo


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.