Hi Anonymous! Login or signup to access your account.
|
MEMBERS
|
| Currently there are 189 users online. |
|
Academics : Ang Math17, bow. Contributed by kajjabeez (Edited by ) Thursday, October 28, 2004 @ 12:08:01 AM Print | Send
|
Gradweyt ako ng Pisay-CVC. Math Olympiad contestant din noong first year. Aba, huwag niyo ako mamaliitin. 1.75 ko yata ang Math 1 at 1.25 ang Math 4. Alam na alam ko by heart ang mga formula sa Matematika.
Kaya ano bang nangyari? Mga klasmeyt ko noong hayskul nagrereklamo. Hindi raw nila UNO ang Math 17, 1.25 LANG sila.
Noong sinabi ng isang FBC na ang Math17 marami nang nasirang buhay. Sinabi ko sa sarili ko, “Definitely, I’m not going to be one of them.” Hindi ko nakikita ang sarili kong nagpupuyat para lang sa subject na ito. Hindi ko nakikita ang sarili kong umiiyak dahil dito. Palibhasa ang Math 17 ay pinaghalong Math 1 at Math 4 noong hayskul. Kung pagbabasehan ang grado ko noong hayskul, tatlo lang ang puwede mangyari. Maaring makakuha ako ng 1.75, 1.25 o 1.5 (average ng dalawa). Ganun lang iyon, at hindi na bababa pa riyan.
Ngayong natapos na ang semestre at nakuha ko na ang resulta ng “pinaghirapan” ko, aba kakagulat. Ang isang taga-Pisay na nage-excel sa Math dati ay naka 3.0! Gusto ko lang sabihin, na perstaym ko po. Astig? Astig. Pero hindi ako umiyak.
Sige, evaluate natin ang performance ko.
Una, sa humigit kumulang na pitumpu't pitong araw na pagtuturo ng instructor namin, SAMPU roon ay pumasok ako – ang natira, nasa bahay at natutulog. Gusto kong maniwalang hindi ko naman kasalan. Sinubukan ko namang pumasok noong umpisa. Sinasagutan ko nga noon lahat ng problems sa libro eh. Subalit, kahit ilang green tea o iced coffee pa ang inumin, talung-talo ako sa powers ng instructor. Ang galing talaga, wala pang limang minuto, nakaka-sampu na ako ng pag-yawn. Pangalawa, sa limang departmental exam namin, wala roon ang sineryoso ko. Siyempre, sa huling pagkakataon na dapat sana’y pambawi ko, inisip ko na lang na parang achievement test iyon. Eh kasi naman, kahit ano talaga ang gawin ko, hindi ko magawang seryosohin ang asignaturang ito. Tsaka, tingnan niyo naman, sa departmental exam lang kinukuha ang grado at kahit isang take home quiz wala man lang binigay kahit panghila lang sana. At magpahanggang-ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip bakit pre-requisite ito sa Chemistry at Zoology subjects ko para sa susunod na semestre, as in ang linaw ng koneksyon.
Kaya bakit ako magrereklamo? Walang saysay kung magsisi man ako, tapos na ang semestre at masyado akong ma-pride noon, hindi ako nag-drop. Pasalamat nga ako’t nakapasa pa ako nang hindi nagte-take ng remedials.
Whapak kung pagtawanan niyo man ako ngayon. Whapak pa rin kung maliitin ako ng mga kaklase ko noong hayskul. Bakit tao pa rin naman ako eh, nabo-bobo rin paminsan-minsan - at ang minsan na iyon ay nagtagal ng tatlong buwan, isang semestre.
Tres ako sa Math17. Hindi ako umiiyak. Hindi ko nilulunod ang sarili ko sa alak. Lalung-lalo nang hindi nasira ang buhay ko. Ganyan talaga, ako naman may kasalanan eh.
Tres ako sa Math17. Astig? Astig.
###############
|
|  | Biyaheng Peyups - Academics
 Related links
 |
|
|
|
| Academics : Ang Math17, bow. | 150 comments | | | |
|
hindi astig... by elfili Thursday, October 28, 2004 @ 12:29:37 AM
 | pisay, tres lang? nakakahiya.
kung ako, mega-iyak siguro ako habang lumalakad na nakaluhod sa UP chapel (habang nagsisisi).
well, isa ka sa mga biktima ng superiority complex. marami rin kasi akong mga naging ka-batch na pisay grads na kesyo na-take na raw nila advance trigo/algebra noong senior year nila ay winalang-bahala ang math 17. ayun, marami sa kanila ang nangamote. meron pa ngang nasisipa sa eng eh dahil hindi mapasa-pasa math 17 na pre req sa maraming series.
anyway, may this serve a lesson na hindi pedeng basta-basta lang approach mo sa mga subjects mo lest you end up one of the many mediocre UP grads...
ang mga UP subjects, dapat talaga pinagpupuyatan, unless alam mo sa simula pa lang na isa kang henyo.
|
|
- ah ganun? by skrew_you on Thursday, October 28, 2004 @ 01:25:09 AM
- ganun nga! by elfili on Thursday, October 28, 2004 @ 07:31:11 AM
- Re: Buti nga't... by tukneneng on Thursday, October 28, 2004 @ 10:36:55 AM
- pero kung tres lang... by elfili on Thursday, October 28, 2004 @ 03:06:10 PM
- Re: kung tres lang. by tukneneng on Thursday, October 28, 2004 @ 03:31:12 PM
- ang point ko dito... by elfili on Thursday, October 28, 2004 @ 06:44:53 PM
- Re: ok by tukneneng on Thursday, October 28, 2004 @ 08:28:44 PM
- Re: huh? by eindyel on Thursday, October 28, 2004 @ 08:47:38 PM
- Missing the point by caravaggio on Friday, October 29, 2004 @ 04:10:36 AM
- you are missing the point. by elfili on Friday, October 29, 2004 @ 05:58:06 AM
- the meaning of sarcasm by caravaggio on Friday, October 29, 2004 @ 07:24:02 AM
- Re: by simply_amazing on Friday, October 29, 2004 @ 07:44:36 AM
- he's right! by orionspear on Friday, October 29, 2004 @ 05:54:18 PM
- nakakainis! by meleeza on Wednesday, November 10, 2004 @ 01:10:25 PM
- Re: by CrossDeLena on Saturday, May 07, 2005 @ 10:16:52 AM
- Re: Angas by kurei on Friday, July 29, 2005 @ 06:57:24 AM
- Re: by minggoy on Sunday, October 09, 2005 @ 03:22:58 PM
- Ay!! Masaya yan!! by _sweetham_ on Sunday, August 14, 2005 @ 07:36:26 AM
- so what elfili? by totoy_tomador on Friday, October 29, 2004 @ 11:24:25 AM
- Re: by fishwitch on Friday, October 29, 2004 @ 12:13:54 PM
- Re: by ikapitong_lakan on Friday, October 29, 2004 @ 05:26:56 PM
- Re: by fishwitch on Wednesday, November 03, 2004 @ 11:47:39 AM
- Re: ingrate... by eindyel on Friday, October 29, 2004 @ 01:17:31 PM
- whiner by totoy_tomador on Friday, October 29, 2004 @ 02:17:08 PM
- Re: AAAAH!! by tukneneng on Friday, October 29, 2004 @ 02:40:39 PM
- Re: by eindyel on Friday, October 29, 2004 @ 04:03:14 PM
- samok by totoy_tomador on Friday, October 29, 2004 @ 05:52:35 PM
- Re: i am a loser.. by eindyel on Friday, October 29, 2004 @ 09:57:05 PM
- Re: by orionspear on Monday, February 07, 2005 @ 06:51:35 PM
- hey! by orionspear on Friday, October 29, 2004 @ 06:04:55 PM
- Re: by tukneneng on Friday, October 29, 2004 @ 08:29:40 PM
- Re: ang galing! by eindyel on Friday, October 29, 2004 @ 09:59:44 PM
- Re: by -name- on Sunday, October 31, 2004 @ 02:08:23 AM
- Re: Ang point lang... by seminarista on Friday, October 29, 2004 @ 01:18:53 PM
- Re: by ikapitong_lakan on Friday, October 29, 2004 @ 05:14:24 PM
- Re: by ikapitong_lakan on Friday, October 29, 2004 @ 05:31:36 PM
- Re: by ikapitong_lakan on Friday, October 29, 2004 @ 05:45:31 PM
- Re: Huh? by seminarista on Friday, October 29, 2004 @ 06:22:05 PM
- well said by totoy_tomador on Friday, October 29, 2004 @ 06:38:24 PM
- hahaha by totoy_tomador on Friday, October 29, 2004 @ 07:09:00 PM
- Linawin natin ito... by elfili on Friday, October 29, 2004 @ 08:01:05 PM
- Re: Math 17 by cowgirl_baby on Wednesday, November 03, 2004 @ 05:44:09 PM
- Re: uhoh. by dorkygal30 on Saturday, August 20, 2005 @ 02:14:09 AM
nye by ninibeLLes Thursday, October 28, 2004 @ 12:42:04 AM
 | e kasalanan mo naman pala. no need to glorify the experience or something.
ewan ko. feeling ko, walang ka-astig-astig sa experience na yun e.
|
|
Re: by Handyfemme Thursday, October 28, 2004 @ 12:46:33 AM
 | naweirduhan ako. Yung 2nd to the last line mo at last line mo parang di nagmi-meet ang idea. Inamin mong mali ka, pero sabi mo astig kasi tres ka. Astig ba dahil inamin mong mali ka?
Howel, di ko forte ang math. Pero sana ay magsipag tayo. Ako tamad pero pinipilit magpakatino. Mahal kasi ang tuition eh. :)
Good luck sa iyo! :)
|
|
- Re: onga by seminarista on Thursday, October 28, 2004 @ 12:38:50 PM
astig nga by skrew_you Thursday, October 28, 2004 @ 01:22:31 AM
 | astig ka talaga. di ka na pumapasok, pumasa ka pa rin. achievement na un. pumapasok ako dati sa math 17, araw-araw halos. pero 3.0 din ako. o kitam? mas lamang ka pa rin.
|
|
Re: by diwa Thursday, October 28, 2004 @ 04:25:54 AM
 | Ganyan talaga Math dito sa UP. Hindi porke't Pisay ka, kaya mo na lahat. Try mo mag-50 series kay Sir Hermosilla. :)
|
|
- Re: by ysabel on Friday, October 29, 2004 @ 11:23:20 PM
Re: by diwa Thursday, October 28, 2004 @ 04:28:47 AM
 | Anyways, masyadong papansin ang nagsulat ng artikulo. Gusto niya lang sabihin na kahit hindi siya nag-aral sa Math 17, pumasa pa rin siya. Hindi ko alam kung ano pinagmamalaki niya. Isang freshie na naghahanap ng 15 seconds of fame dito sa Peyups.
|
|
- di naman yata by purplesnake on Thursday, October 28, 2004 @ 06:41:59 AM
Re: by bobotsina Thursday, October 28, 2004 @ 06:47:59 AM
 | hehehe, tama ka jan diwa! actually e in denial pa sha na tres lang sha kya try nya redeem pride nya by saying na ndi nman sha pumapasok. e anong astig don? so what's the big deal na taga-pisay ka at muntik bumagsak?
o eto, just to give u ur own medicine..taga-kisay ako, hindi rin ako pumapasok pero uno ako sa math 17, hahaha! at marami pa jan na ndi taga-science hs na nakakapasa maski ndi rin pumasok dahil maraming matatalino sa up. gets mo logic? siguro nga dapat ka na maglulupasay.. =)
|
|
- Re: so kisay ka pala by tukneneng on Thursday, October 28, 2004 @ 01:41:48 PM
- Re: walang astig by kookabara on Friday, October 29, 2004 @ 12:05:19 AM
- Re: by totoy_tomador on Saturday, October 30, 2004 @ 12:36:32 AM
- Re: by bobotsina on Saturday, October 30, 2004 @ 05:33:28 AM
- Re: by diwa on Friday, October 29, 2004 @ 01:15:54 AM
- what the...?!? by totoy_tomador on Saturday, October 30, 2004 @ 01:53:33 AM
- Re: by bobotsina on Saturday, October 30, 2004 @ 05:46:37 AM
Re: Hay! by tukneneng Thursday, October 28, 2004 @ 10:32:51 AM
 | Ahahaha. Math 17 talaga, oo. Bawiin mo sa mga susunod na Math subjects.
Dito rin samin prerquisite siya sa mga higher Chem subjects. Ewan ko rin pero ganun talaga. May Algebra yatang involved sa ibang Chem. Hehe.
Next sem, aim for the 50K ha.
|
|
Re: by universal Thursday, October 28, 2004 @ 10:51:36 AM
 | Whoo. Hangin ng artik na to. Astig ba yun? Hindi.
|
|
Re: hay sus... by ishda Thursday, October 28, 2004 @ 01:27:32 PM
 | anong astig dun?
|
|
Re: Ang Math 17, bow. by ZnanZ Thursday, October 28, 2004 @ 01:27:45 PM
 | Siguro what he/she meant by "astig" sa pagkakakuha nya ng tres eh yung fact na hindi niya iniyakan yun at hindi niya pinayagang sirain nun ang buhay niya, contrary to the belief(daw) na marami nang nasirang buhay ang math17.well, at least inamin naman niya na he/she's the one responsible for getting such a grade, and there's no other person to be blamed but him/herself, although ang dating nung article eh parang it's a strategy to hide the true feeling -defense mechanism kumbaga.
|
|
bakit ganyan kayo magreact? by orionspear Thursday, October 28, 2004 @ 01:36:23 PM
 | ang sakit namang magsalita ng mga tao dito.. di naman 'mahangin' ang artik na to, a.. di niyo lang kasi naranasan ang mga naranasan namin sa pisay.. buti pa nga optimistic ang tao, e..
ehehe.. i'm one of her classmates na nagsabi rin na Bakit di ko uno?.. grrr.. 1.5 lang nakuha ko sa equivalent subject na yan sa school ko.. nakakaasar talaga..
siguro isa na rin sa mga factors ang prof nila.. baka di efficient.. o kaya naman talagang mababa magbigay ng grado ang prof.. ganon din dito sa mapúa, e.. may mga bobong pumapasa dahil sa magaling magturo ang prof.. may mga sobrang talino na gumagapang na ang grado dahil ambababa sa long tests na ibinibigay ng mga prof..
case-to-case basis nga lang siguro yan..
at, hinde, hinde mahangin ang artik na ito, at lalong hindi mahangin si kajjabeez..
|
|
- Re: by Anyela on Thursday, October 28, 2004 @ 03:17:53 PM
Re: not one of them by Anyela Thursday, October 28, 2004 @ 03:29:15 PM
 | Marami akong kakilala na hindi nag-aaral at pumapasok sa klase ng Math17 at iba pang mas mahihirap na subjects at nakaka-uno.But sorry, obviously, you're not one of the muntants. Kaya next time, wag pairalin ang superiority complex sa UP.Mukhang freshie ka so ok lang yan...you're entitled to make your mistakes...just don't recycle them!
|
|
- Re: by tukneneng on Thursday, October 28, 2004 @ 03:32:28 PM
mga dude, sorry by kajjabeez Thursday, October 28, 2004 @ 05:55:35 PM
 | okai, i wrote this kasi nagsa-sour-graping ako sa grades ko. hindi ko kasi trip iyong puro mura na artik. at mas lalong hindi ko trip iyong mumurahin ko mga friends ko dahil sila ang gagawin kong shock-absorber sa "problema" kong ito.
sa mga nayabangan, sorry po. magkaiba lang siguro tayo na approach sa mga ganito. itong artik was more of making me realize iyong accomplishments ko na nabalewala dahil naging mashado akong tamad.
kay orionspear at tukneneng, mga friends. hindi ko mashadong nabasa comments nio. pero sasabihin ko pa ring, maraming salamat.
ang math17 ay isang panggising sa akin. sinabi ko na iyan sa dad ko. no, hindi ko kailanman ginamit ang pagiging science high ko para magyabang. ginamit ko iyan sa artik ko bilang BATONG PAMUKMOK sa ulo para magising ako sa pagiging tamad.
iyon lamang po. and again, BOW.
astig? astig
OT
|
|
- Re: Astig? by tukneneng on Thursday, October 28, 2004 @ 08:29:44 PM
- Re: yey, tama ako! by Handyfemme on Friday, October 29, 2004 @ 12:28:39 AM
Re: by perfect_stranger Thursday, October 28, 2004 @ 10:49:53 PM
 | been there...
#27 ako sa batch namin of 300. feeling ko i'll do well sa UP. well guess what? tapos na ako sa math series at 3 ang highest grade ko.
muntik na ako di pumasa sa 17, 4 ako sa 53, nagdrop ako sa 54, at may 5 ako sa 55.
pero para sa akin, achievement pa rin ang makatapos ng math series kahit pa ganon ang history ko sa math kasi yung iba nga 4 takes na ng 17, di pa rin pumasa.
|
|
pisay ako by apocalypse Thursday, October 28, 2004 @ 11:30:55 PM
 | taga pisay din ako..at 3.0 ako sa math 17, 53 and 54..
di dahil di ko kaya, kundi dahil tamad lang ako magaral ng math..
oh by the way basahin mo ang "swimming in UP," parang relate silang dalawa ;)
|
|
Re: nung una.. by nerbyos Friday, October 29, 2004 @ 01:29:36 AM
 | kagaya ng mga naunang comments, medyo naangasan din ako, pero naintindihan ko na din ang side ng may-ari ng artikulong ito.
ako, tres din sa mga math subjects ko. math 11 at 14. nyahahaha! mabuti hanggang dun lang ang math "series" namin.
pagbutihan mo na lamang sa susunod.
gandang araw!
|
|
Re: talaga lang? by pinakamaganda Friday, October 29, 2004 @ 03:11:18 AM
 | well, i guess a tres is not bad for your input, ei? ganyan talaga ang buhay... sometimes, you think you are, but you really are not... or may be not anymore.. haha! ang labo noh?
good luck na lang sayo... may the father of mathematics be with you! (meron ba nun?)
|
|
Re: by sijiro_05 Friday, October 29, 2004 @ 07:48:30 AM
 | buti ka nga 3.0 sa math 17. ako, dalawang maths 5.0 ko iyon straight. hehe. yup, kasalanan ko rin kasi dati din naman akong sinasali sa math olympiad pero mas nag focus ako sa writing career ko nung high school. more to learn in u.p. good luck!
|
|
Re: by simply_amazing Friday, October 29, 2004 @ 07:52:03 AM
 | aba... parang napakacontroversial ng article na to ha. isang araw pa lang napopost tong article na toh, pero ang dami nang nagcomment. hehe. wala lang. un lamang po!
hope this experience serves as your wake-up call. god bless!
|
|
- Re: oo nga.. by nerbyos on Saturday, October 30, 2004 @ 06:32:58 PM
Re: ape by silent_rage Friday, October 29, 2004 @ 09:07:14 AM
 | sana nag-APE ka na lang. since mukha namang yakang yaka mo ang hs algeb/math eh maipapasa (o naipasa) mo sana ang APE sa math 11, para math 14 ka na, at kung ganon ka kahusay sa trigo or math 14 eh di hindi ka na sana nagMath 17. owell, one can't have it all. mahalaga nakita mo yung pagkakamali mo. bawal tamad sa mga nangangarap makapasa.
|
|
- umm.. by orionspear on Friday, October 29, 2004 @ 06:09:20 PM
- Re: ganon? by silent_rage on Saturday, October 30, 2004 @ 10:43:19 PM
maximum number of absences? by calvinluther Friday, October 29, 2004 @ 10:35:53 AM
 | astig 3 ka di ba dapat 5 ka na? dami mong absent eh. astig nga. o baka hindi lang nag check ng attendance yung prof mo.
|
|
- attendance by kajjabeez on Friday, October 29, 2004 @ 11:06:23 AM
Re: by fishwitch Friday, October 29, 2004 @ 11:27:45 AM
 | at least hindi mo deliberately sinira ang buhay mo dahil lang nakatres ka sa math17. yung iba kasi mashadong mapride, maka tres sa math17 mababa na yun.. kaya ayun nagiiinom at kung ano ano pang ginagawa. parang ang lame kasi na "sisirain ang buhay" dahil lang hindi sanay makakuha ng tres. bat pag nagtratrabaho ka na ba tatanungin pa sayo kung ilang ulit mong tinake ang math 17? o kung anong grade mo dun?
para sakin, good point yan jan sa sinulat mo. :P
|
|
Re: by blue-purple Friday, October 29, 2004 @ 03:59:11 PM
 | it was your fault and kita naman na aminado ka pero di mo ba naiisip na dapat mas mataas pa ang grado mo? you deserve better; don't you think? pero well ganon ang ginawa mo... walang kailangang ipaglasing at iyakan pumasa ka pa rin naman e. wait till may ibagsak kang subject at di ka man lang umiyak or nag-isip na maglasing... pero ako di ko ginawa yun nung bumagsak ako, ayoko e.
|
|
TAMA SI ELFILI! by buzzman Friday, October 29, 2004 @ 07:33:43 PM
 | wag niyong i-justify ang mediocrity nio. para Math 17 lang, 'nasira buhay' kayo jan! at sinong bobo ang di makita ang 'kuneksiyon' ng Math 17 or ano mang Math subjects sa biology, chemistry, or even psychology!
me pabow-bow ka pa! grr.
|
|
astig! by katokz Friday, October 29, 2004 @ 09:39:50 PM
 | haha, naiyak nga ako sa 2, ikaw tinawanan ang 3. ASTIG. Hehe, kala ko mamatay na ko sa unang semester ko noon sa UP dahil sa Math17, kaya nagpuyat ako to the max para maka-survive.
tamad ka lang talaga siguro. ^_^ sus, ano ka ba, lesson yan, ayusin na sa susunod!
PEACE!
|
|
ah ok... by pRuE_PArin Friday, October 29, 2004 @ 09:46:47 PM
 | basta ako, masaya ako at tapos ko na ang math17...
haaaayyy... i could still remember the days... hehehe
|
|
about that tres by Qo_Shan Friday, October 29, 2004 @ 09:57:17 PM
 | i think you should consider yourself lucky. pisay grad or no, i know far too many people who have to take this subject more than once. at least despite your apparent negligence you were able to get through it in one go.
|
|
- Re: tama! by nerbyos on Saturday, October 30, 2004 @ 06:29:57 PM
papa don't preach by purplesnake Saturday, October 30, 2004 @ 01:53:21 AM
 | yes we do owe the filipino people but do we really have to pay for that like right now? hindi pa pwedeng pag-graduate na lang namin? so hindi sya nag-exert ng effort sa m17. that doesn't mean inggrata sya. fallacy kayo ng fallacy, talk about jumping to conclusions.
pano ko? nagremovals ako. may inulit na kong subject at may 2 tres ako. (at oo yung iba dun dahil sa hindi pag-exert ng effort) inggrata ba ko kahit na hindi ako nagm17 at may 3 uno?
now you see THAT fine line between arrogance and acknowledging my achievements.
wag nyo ngang isisi sa min ang mga insecurities/disappointments nyo.
|
|
whapak by amazing_pinoy Saturday, October 30, 2004 @ 04:33:35 AM
 | mabuti at natuto ka sa tres mo sa math 17. mabuti rin at hindi ka na nag-drama at nag-iiyak pa. hindi na natin kailangan yon kung talagang natuto na tayo.
sa mga taong nagsasabing [i]mahiya ka naman[/i], mas maraming lungkot ang nagagawa dahil sa sobrang hiya.
|
|
Re: by Maiah Saturday, October 30, 2004 @ 05:09:06 AM
 | I was never good with Math, pero 1.75 ako sa Math 17. The first time I took it, dinrop ko sya, and then I re-enrolled and had a crush on my prof (ewan kung nandyan pa sya sa UP-Dil College of Science), and for the first time in my life, I fell in love with Math.
Wag mo lang ako tatanungin kung may natatandaan pa ako ngayon. I remember the prof...but not the lesson anymore ! :-)
|
|
Re: by moumou Saturday, October 30, 2004 @ 06:04:32 AM
 | a ewan. lahat ng math ko di ko pinasukan. hanggang 114. may es 21 pa at kung anu-anong subjects na basically math pa rin. wala naman akong binagsak pero 3 din ako sa 53. alam ko na sourgraping ka lang at gumagawa ng excuse dahil pinagdaanan ko rin yan, hehe. pero kung iisipin natin, ilan ba ang naging successful na tao na hindi nagsipag? marami akong kilalang matatalino na hindi naman umabot ng 3rd year sa UP. at least ako natutong pumasok sa klase sa last 2 years ng buhay ko sa UP. grad na ako ngayon, may ok na trabaho na, pero when i look back... sayang. i could have done better.
mag-hihintay ka pa bang umabot sa 6th year bago gumradweyt? magsunog na ng kilay! ang sarap ng feeling maging US o CS, hehe.
|
|
Re: walang astig by dspr8_rugged Saturday, October 30, 2004 @ 05:57:59 PM
 | Walang astig sa tres. Yun lang. Ke magaling ka nung high school o hindi...
E ako nga, nung BS Math pa ko sa UPLB e lintik sa dami ng tres ko noon. Nakuha ko yun, despite the fact na pinaghirapan ko ang lahat ng math subjects ko.
|
|
Hmmm... by zechs Saturday, October 30, 2004 @ 06:36:03 PM
 | wala akong masabi...
di rin naman ganung kataas math 17, pero...
basta, if i were you i'd start burning the midnight oil... nasa huli ang pagsisisi...
|
|
Re: by xeean Sunday, October 31, 2004 @ 12:29:14 AM
 | ewan ko ba't ko binasa 'to. ayoko ng math. ayoko ng math. ayoko ng math. bow. hahaha! hindi ako bumagsak sa Math 17 o kahit ano a. wala, gusto ko lang sabihing ayoko ng math. :D pis
medyo wala nga lang akong nakuhang insight dito.
|
|
Re: Sus by martin_blank Sunday, October 31, 2004 @ 04:30:55 AM
 | Big deal a. Nakakatawa naman, nainspire kang magsulat ng artik dahil naka-tres ka sa isang subject? Hindi mo naman siguro intensyon, pero kasi, pero bago ka sana gumawa ng article - at ipost - tingnan mo muna kung ano yung dating.
Kasi sa iba, ang angas ng dating pre. Pinagmayabang mo pa talaga na pisay ka, math contestant ka, hindi ka pumapasok, at pinasa mo pa rin. Alam mo bang maraming bumabagsak kahit nagaaral dyan? Pre, siguro (sana) hindi mo naman intensyon magyabang, pero konting lalim naman.
|
|
Re: my math 17 experience! by livingston Sunday, October 31, 2004 @ 09:14:42 AM
 | share ko lang! pero kakaiba tlga math 17 lalo na dito sa LB. kakaiba ung prof namin! ewan ko kng kilala nyo sya pero weird sya magdamit... hehehe! (clue yan). anyway, imbis na i-encourage nya kame eh kabaliktaran ang gingawa nya. in fairness, magaling nmn siya magturo pero mas gusto nya kame mag-drop kesa sa magbigay sya ng singko. pinakahindi ko malilimutan ay ung umaga before ng 2nd departmental exam namin. tapos ni-remind nya kme to bring our ID. ang sagot namin eh, "ma'am wala pa ID namin, pede form 5 nlang?" sabay sagot ni prof na... "huh! ano? wala pa kayong ID? wala man lang kayong remembrance sa UP bago kayo masipa? kawawa naman kayo."
DAHIL SA MATH17....
mahirap! pero masaya!
at proud ka pag nalusutan mo ito kahit tres lng dahil alam mo na hindi ka galing sa isang magaling na paaralan....
|
|
Do I Smell COFFEE? by kurt Sunday, October 31, 2004 @ 02:48:15 PM
 | Parang ang bitter kasi ng atmosphere eh.
Ung iba kasi may stereotype na agad ng mga taga-Pisay. Biter-biteran baga. Kaya pag naka-meet ng Pisay na nahihirapan sa klase, parang "beh,butinga! bumagsak ka! ang yabang mo kasi! mas magaling ako sayo!" Schaudenfraude to the highest levels.
Granted na may mga mayabang ngang taga-pisay. Pero Im so sure na meron din namang taga Dusay or Ateneo or Arellano High or Tralala High school na mayabang. Modesty aside, mas marami lang talagang Pisay/science high school grads na nakakapasok sa UP kaya mas pansin kami. Mas diverse kami kesa dun sa 10 or so honor students na pumapasok from the usual private/public high school.
At mas sigurado akong hindi LAHAT ng taga-Pisay mayabang. Madaming pisay na hindi nag-eexcel sa acads dahil hindi naman nila ginusto ung pinasok nila (either nung high school pa or college). Like everyone else, we can also be pressured by our parents to take courses/career paths that are not to our liking. Madami ring na-burn out nung high school. Maaring tinamad din. Pero ulit, di lang naman taga-Pisay ang tinatamad. Tignan niyo na lang yang mga tambay sa kanto, I'm sure, di naman graduates ng Pisay/science high yan ano?
Maaring di pa ito sapat na rason para mag-slack off, but that's where individual experiences come in to play.
Di ako nayabangan sa author, and as she stated, babawi na naman na siya sa susunod. At least she gets a point for being honest and not being self-righteous and pompous.
And believe me when I say that most people who study very hard don't even have the "masses" in mind. Rather, they do it for "selfish" reasons like getting good grades to have a nice job, to get scholarships here and abroad, to win awards, to get papers published etc. Sure, you may say that in the end, people will also benefit from their achievements, but my point is that they did not really do it with the "people" on top of their lists kaya mejo bawas-bawasan naman sana ninyo ang pagmamaganda.
As I've stated before, there's more than one way to serve the people. And I think the best way to start is to not go around stating "I AM SERVING THE PEOPLE". Too much self-righteousness makes for a lot of politicians and bitterness, and when that happens, no one, except the self-righteous people themselves, get served in the end.
Switch to tea. It's less bitter. And it's healthier too =)
|
|
Re: sayang naman by stella17 Sunday, October 31, 2004 @ 07:58:44 PM
 | nung first sem ko kala ko ren magagawa ko yung ginagawa ko nung high school na nakakakuha ng mataas kahit hindi mashadong nag-aaral. but no, iba pala sa college, hindi pala pwedeng ganun. kaya naman gwa ko nung first sem lampas dos! at puro GE lang ako nun ah! nakakahiya...at tres din ako sa math 17. pero ayos lang kase hindi naman nga ako nag-aaral nun at hindi ako magaling sa math ever since. kaya lang sayang nga dahil mukha namang magaling ka sa math. pero kanya-kanyang phase lang naman yan sa buhay. at mukha namang hindi ka nagsisisi. keri lang yan. bawi na lang next sem. :)
|
|
ok lang yun by an_kristin Monday, November 01, 2004 @ 12:00:28 AM
 | ok lang yun! ako din e...since nasa tyan pa lang ako ng nanay ko, nagsosolve na ako ng mga angle of elevation at problems involving pythagorean theorem, at nung gs, e mula grade1 hanggang grade6 ay kasali ako sa math olympiad, umaabot pa ako ng national level, at nung hs ay mas mataas pa ang ave grade ko kesa sa valedictorian namin, pero pagdating kong peyups, hala, dropped sa first take at 2.0 lang ang 2nd take.
una sinisi ko ang prof. e kasi naman, kasisi-sisi naman talaga e..kausapin ba naman kasi ang blackboard hindi ang estudyante. pero nung pangalawa, wala na akong sinisi kundi sarili. alam ko naman sa simula palang, kasalanan ko na. dahil katulad mo, sa loob ng isang semestre, kulang na lang ay sa bahay ako nagkaklase, pero ayun, ayos lang. tanggap ko na hindi ako anak ni archimedes o ni descartes, o kung sino mang henyo sa matematika.
simpleng tao lang tayo. may pagkakataong nagkakamali. sana lang ay matutunan natin kung paano bumangon sa pagkakamaling yon
|
|
Re: by lantis Monday, November 01, 2004 @ 01:12:22 AM
 | well...at least di ka nag-math34. ^__^
|
|
Re: by Handyfemme Monday, November 01, 2004 @ 02:04:06 AM
 | Ang tingin ko sa article na 'to, kinuwento niya yung nangyari sa kanya. True, masama dahil hindi siya pumasok, pero freshie palang naman siya. Doon sa dulo ng article niya pinakita naman niyang nagsisi naman siya, so there's no biggie.
Gusto ko yung sinabi ni <b>kurt</b> about 'serving the masses'. Well,oo nga at nakakahiya dahil kung tatamarin tayo eh inaaksaya natin ang pera ng bayan PERO kung tutuusin, hindi ba dapat mas mahiya muna tayo sa ating mga sarili? Wala lang, paano natin matutulungan ang kapwa natin kung ang sarili natin eh hindi natin madisiplina?
Agree din ako sa sinabi ni ate <b>caravaggio</b> -- sarcastic ang approach nitong article na ito. Alam naman nung bata na mali siya, nagsa-sourgraping siya. So anong problema doon? Naipasa niya yung course, she learned her lesson, hindi na niya uulitin iyon. KAPAG GINAWA PA NIYA, saka kayo magalit. Doon naman sa comment ni <b>martin_blank</b>, natural lang na may mga taong maasar sa article na ito kasi iba-iba naman ang takbo ng pag-iisip natin, di ba? Jindi naman puwedeng puro magaganda lang ang sasabihin ng mga readers ng peyups sa sinulat ni <b>kajjabeez</b>. Hindi naman niya aim siguro ang iplease ang lahat ng tao di ba? :)
|
|
Re: by qwerty Monday, November 01, 2004 @ 05:51:33 AM
 | Hindi ko siya kinategoryang 'astig', kasi para sa akin yung astig para lang sa mga admirable at impressive na ginawa ng tao, e yung nangyari sa iyo hindi naman admirable at impressive. Puwede mong sabihin na masaya ka kaya nasabi mong yung astig, pero sa tingin ko ito ang dapat mong sinabi :hahaha:
Tres ako sa Math17. It's a miracle!
|
|
Re: by imquitestupid Monday, November 01, 2004 @ 09:14:06 AM
 | well, andaming comments na nakakatakot dito.. natatakot tuloy akong magcomment.
sakin, medyo hindi naging mayabang ang dating. kasi, parang iba yung pakahulugan nung author sa "astig". parang hindi niya ipinagmamayabang na tres siya sa math 17, parang.. parang.. (may isang anghel). wala lang, siguro mali din ako.
:peace: po sa lahat!
|
|
Re: by chrimpph Monday, November 01, 2004 @ 12:58:35 PM
 | tres din ako sa Math 17. Proud ako na nanghihinayang. Baket? Nanghihinayang ako kasi hindi ko siya kinarir pero proud dahil na-tres ko siya. kaya gets ko ang "astig" na hirit ni kajjabez. ;)
|
|
sikat ka!! by sober_silver Tuesday, November 02, 2004 @ 12:05:42 PM
 | o di ba ang saya... sensational ang article mo? e pano ba nman, ang pang bungad mo: e pisay grad ka - tapos 3.0 sa math 17.
teka sounds familiar... ako ren e!
kakaiba talaga ang feeling when it happened. i don't want to think that i was overconfident. though, i read in one of the posts that some did get tired of 'burning the oil'. totoo un. matindi talaga ang pinagdaanan nten sa pisay.
lighten up, hija. the race is not yet over. :)
|
|
Re: by horned_01 Tuesday, November 02, 2004 @ 10:03:55 PM
 | up until now, i still do not know what does "astig" exactly mean. astig=cool?
if that was your definition, then i think di astig ung ginawa mo.
|
|
Re: Tunay na Astig... by Louisian Wednesday, November 03, 2004 @ 05:12:22 PM
 | ka kajjabeez, hindi dahil sa mga ilang bagay na ginawa mo (tulad ng di pagpasok sa klase porke't walang ganang magturo ang prof.), kundi dahil sa pag share mo nito sa amin.
Ilan ba sa atin ang maglalakas ng loob na magkwento ng tungkol sa buhay nila na medyo kahiya-hiya (mga temang we're not proud of). O kaya, magkweto ng pangyayari sa atin na pagnalaman ng iba (lalo na yung di natin kakilala) ay malamang husgahan agad tayo. Siguro ilan lang silang tulad ni kajjabeez, hehe.
Oo nga at maraming pagkakamaling ginawa ang may akda sa kwento nya pero sino ba sa atin ang perfect, mayroon ba? Pinapakita nya na tayong lahat capable of committing mistakes kahit na anong talino mo pa! At isa pa, di ba nagsisisi naman sya in the end..that's humility.
May kasabihan nga na "It is difficult to be humble. Even if you aim at humility, there is no guarantee that when you have attained the state you will not be proud of the feat."
I hope we all learned from this story esp you kajjabeez hehe. Pagbutihan next sem ha :D
|
|
tsk tsk tsk. by owahnjee Wednesday, November 03, 2004 @ 09:43:10 PM
 | humbling experience? kasi, wag feeling masyado.
|
|
basehan ng pagka-astig o henyo? by jason168 Thursday, November 04, 2004 @ 09:43:05 PM
 | | sometimes, hindi naman talaga correlated ang intelligence sa mathematical ability. may mga matatalino na bobo sa math... pero usually, pag matalino (as in high IQ), magaling din sa math.
anyway, medyo walang katuturan na yata to'ng comment ko.
meron lang akong i-introduce sa inyo na medyo magpapagana sa mga utak na medyo kinakalawang na...
try ninyo ito:
http://www.borrett.wattle.id.au/computing/petals.htm
PS. gaya ng kagalingan sa math, hindi rin ito basehan ng pagiging henyo o astig, pero mas intersting ito kesa math 17
|
|
Tres? by kinetikamote Friday, November 05, 2004 @ 08:59:02 AM
 | Tres does not define how good you are in math. Tres only tells you na tamad ka lang. Un lang. And yes, you need math for chemistry, because chemistry is a whole lot of math. I don't know nga lang for zoo. :)
|
|
- Re: by Anonymous on Friday, November 12, 2004 @ 02:48:10 PM
Re: Nahilo ako by ob1kenobi Saturday, November 06, 2004 @ 02:30:06 PM
 | Iyon lang. Ang daming comments. Kahilo. :)
|
|
Re:
 | Pisay grad din ako.
Pero magmula nung highschool, hirap na ako sa Math.
Hindi lahat ng Pisay perperkto. Ang hirap naman kasing ipakita yun sa ibang tao... Pero hindi naman lahat ng Pisay grads ay henyo. May ibang nagsipag lang talaga at kinaya.
In your case, siguro naging complacent ka ng konti. Bakit? Kasi dati kang nag-excel sa Math. Pero maraming factors involved talaga.
Nawa'y kayaning mo ang iba pang subjects na parating sa academic life mo:)
|
|
anong astig dun? by kapparho_01 Tuesday, November 23, 2004 @ 06:59:27 AM
 | hindi ba isang bandehadong kayabangan lng ito? kunyari ka pang hindi pumapasok! nek nek mo! eh di sana na-drop ka na!! ugok! hehe! :p
naalala ko tuloy nung 1st day nmin sa math17... nagpakilala isa-isa tapos sasabihin ang school nung highschool.. syempre proud na proud nga nman ung mga taga pisay, masay, munsay at kung ano ano pang sayans highschool... hehe! samantalang ako galing lamang sa isang hindi kilalang paaralan..
Ang math17, bow.
nung una sobrang aktibo ng mga sayans na ito sa klase.. kesyo nakikisabay pa sa prof pagsasagot.. minsan nga'y pinangungunahan pa... ang yabang talaga... bahala sila... dumating na nga ang departmental exams... ang mid terms at pre-fi.. ang finals...
nasan ako?
kumuha lng ng class card habang sila'y nagsasagot ng finals... hindi ko na sasabihin ang grade ko sa math17... baka magwala ang mga sayans... at maging super sayans!!!wahahaha!!! :))
|
|
- Re: by orionspear on Monday, February 07, 2005 @ 06:45:05 PM
- Re: ditto. by ashterr on Thursday, June 26, 2008 @ 10:25:29 PM
Kumento by pseudomori Thursday, November 25, 2004 @ 05:00:07 PM
 | 'Di ko parin lubos maisip na binasa ko lahat ng mga kumento dito na halos kalahati naman ay sadyang pang-atake lamang sa kung anumang inaatake nila.
One, galing din ako sa Pisay. The hell with stereotypes... Don't expect us to do shit para lang magkaroon ng flat one sa grade. I mean, it's always the case. It doesn't necessarily mean that we have to have an average grade of 1.25 or higher. It's bullshit!
Two, freshman din ako tulad ng nagsulat ng artik na ito. ive us a chance, man. I mean, we're in one hell of an adjustment phase. We have not completely recovered from whatever pressures we might have incurred in HS. College is a whole new experience for us so crap it up!
Three, ako rin may bagsak. Hindi ibig sabihin nun na wala na akong sense of gratitude sa kung sinumang nagpa-aral sa akin. It's just that i failed to try my best OR if i ever did, it wasn't just good enough. I mean, i did graduate in due time (in HS, i mean), right? That's all there is to it. Grades aren't everything... It's more reflective of our memorizing skills, of our creativity skills, and shit like that. It is NOT reflective of our capabilities as a Filipino, much more as a human being. Plus, who cares about pasang-awa grades? For the least, we passed. And, it's not going to affect any shit we can do for our country. You don't go around screaming "i had a 1.25 grade in Math17, so surrender the friggin hostage" to a terrorist. You don't go around yelling "we shoul propose this bill becuase it's for the good of the country, and we should veto the other one because it's bad. I should know. I got a 1.00 in Math17 back when i was a freshman." You don't go to charity (or any socially-oriented orgs) running around clucking "i got a 1.25 in Math17 and i'm going to eliminate poverty!"
---
To kajjabeez, it ain't your fault, man. Let 'em rant above your obligations to the taxpayers and all of that... Go on with your life. I trust that you'll be able to pay the Filipino people -- your benefactors -- in your own way. (And, not just through Math17!);)
|
|
Re: just a few stray thoughts by lorddael Monday, December 13, 2004 @ 03:38:39 AM
 |
... but before I begin, let me just say that I'm already heading towards the last and final round of my academics, i.e. PhD, so this "heated" discussion on the math 17 3.0 grade actually made me smile as I remembered my own math foibles...
...And with that opening, I hope (at least) to get a semblance of respect for my opinions, hahaha =)
1) First of all, me and colleagues here agreed to have observed an interesting phenomena prevalent in a significant majority: people seem to glorify more one who can "work his way around" the system, find loopholes in agreements, or one who can generally muck things up. They elevate him to such a high status over those who, with their own abilities is able to do something really useful and noble. In fact, often it becomes a seed for bragging, ex "Hey, guess what, I fooled _____ into _____ ", and the like. Not that I question your motives for writing your article, I thought yours is a variation of this observable fact.
2) Responsibility. To the author's credit, perhaps nobody was there to explain to him the burden of studying on taxpayer's money. it's perfectly understandable. at that age, we couldn't care less or worry about too much. After all, we get enough talk on tuition fees and responsibility from our parents. In fact because our parents does much of the worrying for us, we are left to worry about things closer to our own sentiments.
Perhaps, only upon entering UP people realize that we are actually subsidized. For the record: I believe that students should be responsible and must do every conceivable action to ensure a passing grade. There is nothing more difficult in coping with responsibility than being tied to some form of expectations, from yourself, your parents, your peers, and the Filipino taxpayers. Your obligation to yourself and your parents, I won't expound on it since it is assumed that you should know it even before enrolling in UP. Expectations from the taxpayers? I think they just expect you to pass. (I can say this because for the past 8 years I've been contributing my share in UP's student subsidy). Anything else above the passing grade is a bonus to the people. Fooling around is ok as long as you pass. It's when you fail after fooling around that screws everything. Like a person who makes a bad investment, we feel frustration. Before anyone says: Well, who asked you to invest in me? who asked you to expect much from me? Let me say this: I believe in the spirit of education and how it is the best possible gift we could give to our people. Education makes a lot of things possible. I decided to become a taxpayer because I believe that UP can offer the best education possible and every student who passes the UPCAT represents a twinkle of hope for our country. A student who fails for the most ridiculous reason simply isn't doing enough to help the country. Let's admit it: We, the Filipino people need YOU. Just do your part because no matter what happens, the Filipino people will not stop in making sure you get subsidy. Such has been the dream of this country... Of course, you're free to do it your way, that still doesn't change the fact the country is behind you, 100%. You may pass or fail but let's hope nobody gets kicked out that they never get another shot at it again. so, good luck to you!
3) On being Pisay and other related stuff. Same as above: the country believes in your capabilities. but really, it doesn't matter where you're from. If you ask me, I'm not from pisay but I've seen good people to come from your lot and surprisingly found others who are also able to match Pisay in every way. so what's the point? I hope that coming out of pisay exposed you to the wonderful world of the sciences enough to make you consider helping advance it in our unscientific country. case in point: sometimes we get scientific opiniion from the most unscientific people. obviously not only do they tend to be vague, often they are ILLOGICAL AND WRONG. consider your Read the rest of this comment...
|
|
Re: ok lang yan tol. by c0d3r Friday, September 16, 2005 @ 06:29:30 PM
 | medyo mahirap talagaang math17. tsambahan din kumbaga. sa amin noong presman ako, 4 lang ang uno. mababa din ako sa math17 noon. ganun talaga ang math17; unpredictable.
|
|
ha?anong astig dun? by tim_reignvelt Wednesday, September 21, 2005 @ 04:23:59 PM
 | astig?hindi astig..
hindi porke't pisay ka ganun nalang ang approach mo sa math17..
sa totoo lang mahirap ang subject na un.. 5 units kc at marami na akong kaibigang pisay na nangamote sa math17..ung iba nga nag-remove pa...
tandaan mo,ang iang bagay ay pinaghihirapan..
buti nga nakapasa ka pa sa lagay na yan..
good luck nalang sa college life..God bless.
|
|
Re: ha ha ha by chie527 Tuesday, October 11, 2005 @ 05:14:20 PM
 | ako nga kwatro sa shem 40....best in chem ako nung hayskul...wala akong balak magpakita sa chem titser ko nung hyskul..ha ahaha
|
|
huwag kang mayabang by leoisiah Wednesday, October 12, 2005 @ 03:53:40 PM
 | pinagyabang mo pa na taga-pisay ka
tapos math 17 lang
tres pa?!
tres lang?!
dapat siguro bumalik ka na lang sa high school
para malaman mo na hindi ganun kadali ang math17
at para mawala na rin ang yabang mo
taga-pisay pala ha
ako rin taga-pisay
at hindi ako bumagsak sa math 17
|
|
hilas by saikow Monday, October 17, 2005 @ 12:39:35 AM
 | pero okay lang naman. at least, hindi ka nagpakamatay.
|
|
Re: Ang Math 17, bow. by silversmile Wednesday, February 01, 2006 @ 05:38:33 PM
 | meron palang pisay-CVC.. i didn't know that..i thought WVC at EVC lang ang campuses sa Visayas.. sa region 7 din kasi ako nag-HS eh.. pero nakakatawang isipin na kahit hindi naman ako nanggaling sa science high school, or science-math oriented school, i managed to get a grade higher than 3.00... kahit di ako ganoon ka talino, i managed to get a 2.5... dahil sa pawis at tiyaga. oo, kailangan ng bansa ang mga matatalino who i believe are the products of Philippine Science High Schools. But ano ang use talino kung tamad naman? alalahanin nating tayo'y pinapaaral ng milyun-milyong magsasaka, katulong, negosyante, iskwater, trabahente, basurero, saleslady, salesman, ahente, pulis, mananahi, at iba pang masang pilipino bilang mga iskolar ng bayan--sa paniniwalang tayo ang pag-asa ng bayan. so ngayon, tatanungin kita what's astig about getting tres? sure you deserved it but hindi nakakatuwa.. nakakatawa...
|
|
- Pisay CVC? by leoisiah on Wednesday, May 03, 2006 @ 05:31:39 PM
Re: hindi astig by rapsah Friday, February 03, 2006 @ 11:14:24 AM
 | wala yan.may sakit ka lang siguro sa utak. pinipilit mong kumbinsihin sarili mo na astig ang nagawa mo pero deep inside nagsisisi ka sa nangyari. Hope kayanin mo yan till the end of your course.
|
|
Re: ganyan talaga buhay odes by EnaFansClub Friday, February 24, 2006 @ 07:28:20 PM
 | kaw kasi nagUP ka pa eh..wehehe.peace..
|
|
Re: peyups boys n gals by humble Saturday, February 25, 2006 @ 07:24:08 AM
 | hirap kc sa karamihan ng mga estudyante sa up, akala mo sila lang ang mga may utak. mayabang ba may gawa ng article nito? nde... typical up student. there's a fine line between pride and bragging. 9 out of 10 up grads ang halos ipagduldulan na nila sa mukha mo ang pagiging up alumni nila. and some to the point of belittling other schools. kung naisip nyo man `to, may mga estudyante sa mga probinsyang eskuwelahan na mas matatalino pa sa mga estudyante ng up, and in the same way, may mga up students na mas matalino pa sa mga cum laude ng top universities sa maynila. kung lahat ng Pilipinong legit kumuha ng exam eh nag-UPCAT, palagay nyo ba eh makakapasa pa din kayo? nde ako kumuha ng eksamen, at hindi sa kadahilanang naiisip kong nde ako papasa. malayo na kasi ang imahe ng up na kwinekwento ng mga tiyahin ko sa imahe ng celebrity-dominated up ngayon. nakakapagtaka lang... kelangan ba talaga ang pagyayabang?
|
|
Re: peyups boys n gals by humble Saturday, February 25, 2006 @ 07:53:56 AM
 | out of context na nga pala to sa article... pakipalitan na lang din ang mga katagang up ng katagang science hayskul para ma-i-reference naman sya math17 artik... nde nga pala ko nanggagago ng mga taga-peyups, jan galing ang gf ko eh.. obserbasyon ko lang `to sa trabaho.. na dahil galing ka lang sa state u (state eh `no?) eh kelangan mo ng hamakin lahat ng hindi nakapagtapos sa paaralan nyo... mataas pa naman ang tingin ko sa unibersidad na yan
|
|
HAMBOG!!! by bicbic Sunday, April 09, 2006 @ 02:12:18 AM
 | hindi ka astig! mayabang ka. maangas.
kung talagang tanggap mo ang tres mo sa math17, hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. sisisihin mo powers ng prof mo, sasabihin mong tinatamad ka sa departmental exams mo, at kinonsider mo pang achievement test mo lang ang mga yon. there's no explaining to do. bakit kelangan pang i-angat sarili mo na parang everything happened under your manipulation? sourgraping ka eh!
kung gusto mong palabasin na mapagkumbaba ka sa pag-amin na ang isang taga-pisay ay nakakuha ng tres sa math17, pwes, hindi ka humble, hambog ka.
kung talagang astig ka, tres kung tres! tapos!
walang paliwanag!
ako nga drop nung take 1.
singko nung take 2.
2.5 nung take 3.
walang paliwanag!
and thanks to my god, hindi ako taga-pisay!!!
|
|
Re: rationalization...tsk..tsk by thy_luna Sunday, May 14, 2006 @ 10:37:48 PM
 | i cant help but remember ang RATIONALIZATION na defense mechanism pagkabasa ko ng article mo....tama sila, di ka astig...there is nothing ASTIG sa ginawa mo...=(
|
|
Re: talaga lng huh?! by Ginoe Friday, July 21, 2006 @ 11:31:24 AM
 | tama yon.. wag kang umiyak.. buti naman alam mong kasalanan mo naman.. I am also taking up math 17 now.. as in ang hirap talga.. I may not that brainy like you especially sa math <naibagsak ko pa math ko na freshman high ako> pero in up.. di lang po utak ang klangan jan.. humility at paxnxa.. cguro may pxnxa ka... pero humility.. sa nabasa ko.. wala.. pero sajang napakatalino mo kasi alam mong kasalanan mo din.. kaya maganda din talagang minsan bumagsak at madapa tau para malaman natin kung saan tau nakalugar sa mundo at ang tunay nating lugar sa mundo..
|
|
Re: by Eph Friday, October 20, 2006 @ 04:38:23 PM
 | hindi ka nag-iisa. ilang UP students from physci na rin ang naging classmates ko sa kung anu-anong subjects(Math series, ES series, Physics series). most of them..well yeah, magaling. pero hindi ko maaninag ang kasipagan sa kanila! sa Unibersidad ng Pilipinas, hindi sapat na maganda ang foundation mo nung high school. well it does matter pero kung puro yun lang ang iikot-ikot sa utak mo, hindi ka tatagal! sipag at disiplina sa sarili ang higit na mahalaga sa pag-aaral. so anong nangyari sa mga taga-physci kuno? ayun, nagshift out! may ibang napadpad sa Educ, PublicAd, etc. most of them galing sa eng'g courses..
Actually hindi lang physci. sila kasi ang nakikita natin since sila lang ang science high school na maraming campus at marami sa kanila ay nasa unibersidad natin.
|
|
Re: Ang Math 17, bow by perlita Tuesday, February 05, 2008 @ 12:16:44 PM
 | Buti ka nga na-tres mo pa. ako nga, nakadalawang take ng math 17. pero in fairness, pinaghirapan ko yun at proud talaga ako dun.
|
|
Re: bottom line by miaka Wednesday, July 02, 2008 @ 10:46:18 PM
 | eto naman ay opinion ko lang.
as a math 17 student, proud at thankful sya na pumasa kahit di gaano nageffort.
as a pisay grad, alam nyang dapat di lang 3.0 ang grade nya dahil naaral na nya yung subject nung HS.
as a UP student, i think what the author is trying to imply is that in UP, brains would not ALONE sustain you. dapat masipag ka din.
as a skolar ng bayan, hindi dapat ipagmalaki na ganito lang ang ibinabalik natin sa bayan despite the privilege of being able to study at a premiere university with practically zero to very low tuition fee.
hindi dapat ginawang subjective ang post. dapat tiningnan natin kung ano yung message na gusto iconvey nung author before tayo nahigh-blood. :p
peace out! ;)
|
|
|
|