Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 215 users online.

Writings Family Ties : Pangamba ng Isang Ama
Contributed by Apolthegreat (Edited by mananalaysay)  
Friday, July 23, 2004 @ 01:20:18 AM
Print | Send

Kagabi, habang natutulog si Sophia, matagal ko siyang pinagmasdan. At habang pinagmamasdan ko siya sa kanyang pagtulog, kung anu-anong bagay ang pumasok sa aking isip.

Ano kaya'ng kapalaran ang naghihintay sa batang ito? Maibigay ko kaya ang lahat ng kanyang pangangailangan? Ganap na kayang karapatan ang edukasyon at hindi lamang pribelehiyo sa mga may kayang magbayad para dito? O baka naman kasingtayog na ng langit ang bayarin sa matrikula?

Sa kanya kayang paglaki ay masaksihan nya pa rin yung maraming kababayan na sa bangketa na natutulog? Makarinig pa kaya siya ng balita tungklol demolisyon ng tahanan ng mga maralitang tagalungsod? Makarinig pa kaya siya ng balita tungkol sa magsasakang minasaker ng militar? Marinig nya pa kaya yung sigaw sa lansangan ng mga makabayang nagdedemostrasyon: "Imperyalismo, Ibagsak! Burukrata Kapitalismo, Ibagsak! Pyudalismo, Ibagsak!?" Maayos na kaya ang kalagayan ng mga manggagawa?

Ano kaya ang landas na tatahakin ng batang ito kung makagisnan pa rin niya ang lipunang punung-puno ng pagsasamantala? Pumanig din kaya siya sa mga aping sektor ng kanyang lipunan tulad ng ginawa ni Kristo na kailanman ay di pumanig sa naghaharing-uri ng kanyang panahon?

Sa kanya kayang panahon ay uso pa rin ang pagtatago ng pera sa bangko gamit ang mahihiwagang pangalan tulad ng Jose Velarde at Jose Pidal? May “plenty of sex” din kaya ang mga magiging pangulo ng bansang Pilipinas sa kanyang panahon? Patuloy pa rin kaya ang gera sa Mindanao? Patuloy pa rin kaya sa pandarambong ang Estados Unidos sa mga bansang mahihirap? Haayyy...ang daming tanong na di ko pa masagot sa ngayon. Ganun pala ang pakiramdam ng isang ama, masyado mag-alala at malayo na ang tinatanaw sa unahan!

Di ko maalis na mangamba sa mga bagay na pumasok sa aking isip sa tagpong iyon. Pangamba dahil walang katiyakan kung ano talaga ang magiging kinabukasan ng aking anak. Kungsabagay, wala namang nakatitiyak kung ano ang mangyayari sa kinabukasan. Pero magaan sa pakiramdam ng isang ama na matiyak na magiging maayos ang buhay ng kanyang anak sa darating na panahon. Naalala ko tuloy ang kanta ng Buklod, yung “Nasa Atin ang Panahon”:

...Halina’t likhain, itayo ang bukas
Para sa ating mga anak
Ipaghanda sila ng daigdig na sagana
Nasa atin ang panahon….

Hindi ko man tiyak kung ano ang mangyayari sa darating na bukas, sisiguruhin ko naman na hindi ako susumbatan ng aking anak kung bakit di ako kumilos para sa pagbabago ng kasalukuyang kalagayang panlipunan, kung bakit di ko siya ipinaghanda ng isang magandang bukas! Di ko man masaksihan ang isang lipunang walang pagsasamantala, nawa'y maliwanag na umaga ang makita ni Sophia sa pagmulat ng kanyang mga mata.



###############


Writings - Family Ties

Related links






Family Ties : Pangamba ng Isang Ama | 3 comments
 

Re: Para sa Ating Mga Anak at Anak Ng Ating Mga Anak by magda
Friday, July 23, 2004 @ 06:16:48 PM
Yan din ang pangamba ko kung nag-asawa na ako at nagkaanak. Saludo ako sa mga kagaya mo, na kumikilos para mas maganda ang magiging mundo ng kanilang mga anak.

Maganda ang pangalang Sophia. Ang alam ko ang ibig sabihin nito ay kaalaman o wisdom. Ito ba talaga ang pangalan ng anak mo? :)


Re: by brow_al
Saturday, July 24, 2004 @ 09:37:05 AM
isa kang magiting na ama na sobrang nababahala para sa kinabukasan ng kanyang anak.
sana rin ang mga anak natin bukas, hindi na maranasan ang mga nangyayari ngayon sa lipunan natin pero parang imposible. ang importante may nagawa tayo kahit papano para sa kanila.


Re: by sakeena
Thursday, July 29, 2004 @ 05:24:41 PM
ano namang masama kung "plenty of sex" si gma, may asawa naman siya?

=(


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.