Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 264 users online.

Column Tembtation : Quarterlife Crisis
Contributed by tembarom (Edited by mimi)  
Friday, April 02, 2004 @ 12:00:11 AM
Print | Send

“Twenty five years of my life and still
I'm trying to get up that great big hill of hope, for a destination"
-- What's Up, 4 Non Blondes

By the time na binabasa ninyo ito, kakapagdiwang ko lang ng aking ika-25 kaarawan.

Kapag ganitong sumasapit ang aking kaarawan, nasi-senti mode ako. Napapaisip. Nagmumuni-muni. Lalo na ngayong taon. Dalawampu’t lima na ako. Nasaan na ako?

Bagamat inaatake pa rin ng samu’t saring pangamba, natutuwa ako’t hindi na kasinlala ng dati ang aking share ng tinatawag na “quarterlife crisis.”

Di pa kalaunan nang mabasa ko sa e-mail ang essay na “Being Twenty-Something” na sa kaka-forward ay hindi ko na ma-trace kung sino ang sumulat. Naka-relate ako nang una ko itong mabasa. Sabi nito:

“They call it the ‘quarterlife crisis.’ It is when you stop going along with the crowd and start realizing that there are a lot of things about yourself that you didn't know and may not like. You start feeling insecure and wonder where you will be in a year or two, but then get scared because you barely know where you are now.”

Quarterlife crisis. Ito raw ang panahon na naiisip natin na ang mga pinili nating kaibigan na akala nati’y the best na sa buong mundo ay hindi naman pala pangmatagalan. Habang nagdududa tayo sa ating sarili, nagdududa tayo sa kanila. Ang hindi natin naiisip, kaya ganoon ay dahil sila man ay nasa ganitong stage rin ng kanilang buhay.

Ito ang panahon na pakiramdam nati’y nag-iisa tayo sa gitna ng malaking kalituhan. Naiisip natin kung bumitaw na ba tayo, o nalimutan na natin ang ating mga pangarap. May mga pagkakataon ding kinasusuklaman natin ang ating trabaho. Pakiramdam nati’y nakakabobo ito, nakakapagod at ni hindi natin nakita noon ang ating sarili na ginagawa ang ganitong gawain. Pero hindi naman natin maiwan dahil takot tayo sa pagbabago. Masuwerte ako, nalagpasan ko na ang ganitong panahon, at sana’y di ko na muling balikan.

Sa tingin ko, ito rin ang panahon na napapansin natin lalo ang ating paggulang. Kamakailan, habang pinagkakaguluhan ng mga manonood ang grupo ng mga kabataan sa palabas na StarStruck sa GMA-7, naisip kong bigla na tumatanda na nga ako. Pito, walo, siyam na taon ang tanda ko sa mga bagong idolo ng kabataan ngayon.

Nagiging senti tayo sa kahapon, nagnanais na muling balikan ang nakalipas, bumabalik sa pagkabata (gaya ng mga ibang twenty-somethings, linggu-linggo kong inaabangan ang Shaider na paborito ko sa TV noong bata pa ako). Ngunit sumasampal sa atin ang katotohanang hindi na natin mababalikan ang nakalipas.

Pero sa yugtong ito ng ating buhay, sa kabila ng kalituhan at halu-halong emosyon, mas nakikilala natin ang ating mga sarili. Habang pinatitibay at pinalalakas ng panahon ang ating katawan, tumatatag din ang ating isipan at emosyon sa kabila ng mga pagsubok sa trabaho at mga relasyon.

Ngayong magda-25 na ako, natutuwa ako dahil kahit at hindi perpekto ang buong buhay ko, sa kalakhang bahagi ay masaya at maayos ito: may lakambining katuwang sa maraming bagay, may trabahong mapanghamon na posibleng pang mas maging kanais-nais, lalo na sa usapin ng pananalapi (hindi na ako nalulubog sa utang sa aking mga kaibigan), at may regular na komunikasyon sa aking mga mahal sa buhay.

Sa kabila ng lahat ng ito, kapag inatake pa rin ako ng paminsan-minsang pangungulit ng “quarterlife crisis,” iisipin ko na lang na lilipas din ito. Gaya ng sinabi sa huling bahagi ng binanggit kong sanaysay, karamihan sa mga ganitong gulang ay nakakaranas din ng “quarterlife crisis.”

Unang nalathala sa Pinoy Gazette.



###############


Column - Tembtation

Related links
Ederic@Cyberspace
Tinig.com






Tembtation : Quarterlife Crisis | 19 comments
 

Re: by Handyfemme
Friday, April 02, 2004 @ 01:32:57 AM
uy, tagal ding walang article sa column, ah!

Pag tumatanda daw, madaming natututunan. Sana life just gets better (at hindi lang gets older, da ba?)

Andito naman kami kapag kailangan mo. :P *hugs*


Re: quarterlife by lagsh
Friday, April 02, 2004 @ 06:56:42 AM
alam mo ba, wala pa ako sa 20s ko, parang nararamdaman ko na rin iyan. kaya nga iniisip ko, pano nako pag nasa 20s nako? baka mas malala pa ang krisis ko nun



  • Re: by demonic_spyke on Saturday, April 03, 2004 @ 07:12:21 AM
  • Re: by demonic_spyke on Saturday, April 03, 2004 @ 07:12:24 AM
    • Re: by lady_summoner on Wednesday, April 07, 2004 @ 10:46:58 PM
  • Re: i feel the same way by ashtare on Thursday, April 22, 2004 @ 07:35:00 PM
Re: by weng93
Friday, April 02, 2004 @ 12:44:59 PM
we get older, yes, a fact of life. but what becomes of us when we do is essentially the larger question of life.


Re: ????? by shen_craze
Friday, April 02, 2004 @ 03:53:19 PM
sarili, self, ako, me... words na minsan ay nakakainis... bakit?... kasi nakakalito... kilala ba talaga natin ang ating mga sarili?... i read from a book na philosophy of man: what's the sense of achievements and success if later on you will die?... hehe...


Re: by RinG
Friday, April 02, 2004 @ 05:50:18 PM
ganda! salamat at sinulat mo to, pinagaan ang pakiramdam ng katulad kong kaka-birthday lang din at nakakaranas rin ng quarterlife crisis. tama ka, lilipas din to. :)


- by xxtoyxx
Sunday, April 04, 2004 @ 10:29:38 PM
Sometimes, the best thing to do is stop, reflect, and plan ahead. As much as some things unusually bothers me, I make it a point to turn the situation to my advantage. I end up doing things na makakapagpasagot sa mga iniisip kong kung ano ano.

Basta sa akin lang, ang magandang disposisyon sa buhay ay sapat na para harapin mo ang mga kinatatakutan mo, 2-3 years from now. ^_^


Re: oo nga by daddyswabe
Tuesday, April 06, 2004 @ 06:39:39 AM
ang labo ng feeling pag nadadale ka ng "quarter life crisis"...kakabaliw..kakadepress..kakapagod mag-isip at mangamba...ni hindi mo alam kung masaya ka o hindi...or case to case basis din...

sana malampasan ko na itong stage na to..hehhe..gusto ko na ng direksyonÜ


Re: i'm scared by Jhersee-d-goddess
Wednesday, April 07, 2004 @ 06:01:15 PM
im turning 20 this May and i feel paranoid.. it's not as if everything's gonna change because i'm not in my teens anymore, but it's like being slapped in the face with the realization that indeed, im getting old and the things i used to believe in are falling apart..



Re: pardon me! by beautifulstranger
Sunday, April 11, 2004 @ 11:17:19 PM
Oh shoot! as soon as I wake up on my 23rd birthday (which is about several months from now), I'm gonna screaaam.. Tapos kakantahin ko na yung PARDON ME ng Incubus. I am so gonna burst!


Re: by claudine
Thursday, April 15, 2004 @ 11:18:20 AM
wait until you are 27 1/2... that is the saturn return... the revelation of lifetime karma... well it would not be too bad... after that, you will feel whole.


Re: being 25 and everything by nancy_drew
Thursday, April 29, 2004 @ 10:10:23 AM
its a nice feeling to know i am not the only one feeling this way... nice one!!!


Re: ganyan talaga eh... by rushingshane
Wednesday, June 02, 2004 @ 04:49:10 PM
minsan pag may mga nangyayari sa buhay natin, d natin alam kun anong gagawin.... minsan pa tinatanong natin sa ting sarili "ako ba talaga 2 o hindi?" nakakgawa tayo ng mga desisyon na gusto ng utak natin pero ayaw naman ng puso natin... sa kaibigan, may tunay, may hindi! matetest lang kung tunay ung mga napili mo whenever you are in need... they will give you moral support.. ah basta! we must choose right friends!


Re: by TheEqualizer
Saturday, August 21, 2004 @ 03:40:36 AM
From an experienced person, we will always encounter crisis like this. Once in a while, we go through this dilemma within ourselves. We stop and reflect on our past actions, current situation and future plans. It's like arriving at a fork on the road. We are forced to decide on which path to take or just keep travelling the same road. Whatever road we choose, we have to remember we can't go back and our decision changes our life forever.


Re: by riya
Saturday, December 03, 2005 @ 08:36:50 PM
hahaha..nalarelate ako..lagi akong inaatake ng quarterlife crisis...


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.