Peyups Shirt Design
 
Hi Anonymous!
Login or signup to access your account.

MEMBERS
Username

Password


Lost Password | Register
Currently there are 257 users online.

Column Tembtation : Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes?
Contributed by tembarom (Edited by mananalaysay)  
Friday, August 01, 2003 @ 03:56:18 PM
Print | Send

“Why blame these young soldiers for telling the country the truth…?” –Atty. Homobono Adaza

Nang kumain ako kahapon sa carinderia ni Ate Nicky, nagawi ang kuwentuhan sa naganap na pag-aalsa ng mga sundalo noong Linggo. At siyempre, hindi puwedeng hindi mabanggit ang lider ng mga nag-rebelde, ang patok na patok ngayong si Lt. SG Antionio Trillanes IV.

“Ay, Eric! Ang guwapooo niya, ‘no? Grabe!” ang bulalas ni Ate Nicky, na isang nanay ng apat na bata. Ayon sa kanya, pati raw matatanda niyang kapitbahay ay tinamaan kay Kapitan Trillanes.

Ilang araw matapos ang tinatawag nilang kudeta—na hindi naman talaga kudeta—natanggap ko naman sa text ang message na ito: “San kya nakakulong c Trillanes? Girls from all walks of life want to visit him. Ako kya bilang media makakuha ng pass? Hmm...”

(May isa pa akong na-receive na message related sa so-called kudeta, kaya lang hindi tungkol sa ating bida. Pero isi-share ko na rin kasi aliw:

FOR SALE: 200 pcs M16A1;
50 pcs M60; 200000 rnds 5.56mm;
100000 rnds 7.65mm; 1200 grenades;
Cheap lang. Call me.
Sender:
Angie Reyes
+639187904444

At sigurado akong nai-forward na rin sa inyong inbox ang liham kay Kapitan Trillanes, na sa kapapasa ay nawala na ang pangalan ng sumulat. (Bagamat sa tingin ng iba ay nakakainsulto at nanunuya ang liham, ito sa aking palagay ay isang seryosong komentaryo tungkol sa nangyari na itinago sa bisyo nating mga Pinoy na magpatawa at tumawa kahit sa gitna ng rebolusyon.)

Kanina naman, iniulat sa TV na isang bagong starlet, si Glorietta Magdalo, ang papayag na ipagkaloob ang kanyang katawan kay Kapitan Trillanes. Gustung-gusto raw niya ang tabas ng mukha ng sundalo at lalaking-lalaki raw ito. “Nawala ka na sa Glorietta, pero ang totoong Glorietta, nandito pa. Naghihintay sa iyo ang totoong bomba,” ang nang-aakit niyang pahayag sa harap ng kamera. (Grabe, hindi kaya nahiya si Darna sa katapangan ni Glorietta para lamang makuha ang atensiyon ni Kapitan Trillanes? Hindi naman siya ganun kalandi kay Kapitan Barbel, di ba?)

At alam n’yo bang pati ang ayon kay Joi Barrios ay pekeng Darna, si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ay aminadong ang ating bida ay pretty boy? “Bring the criminals to justice, no matter how goodlooking they are,” wika niya kanina sa panayam ng Manila Overseas Press Club. (Sana sinabi rin niyang give justice to the Davao bombing victims, ano?)

Walang dudang sikat na sikat at heart-throb na si Kapitan Trillanes ngayon. Pero para sa isang nagtangkang gambalain ang kapayapaan ng bayan, bakit?

Ayon sa aking Lakambini, normal lang daw sa lipunang ito—sa macho society na ito—na ang isang sundalo, na siyempre pa’y tigasing mandirigma, ay maging kaibig-ibig sa mga kababaihan.

Nagkasundo rin kaming may appeal din siguro ang pagiging rebelde o “bad boy” niya. Siyempre sa tingin ni Ate Glo at nga mga alipores niya, lalo na si Defense Secretary Reyes na ayaw mag-resign sa kabila ng seryosong mga alegasyon, ay bad boy si Kapitan Trillanes.

Ngunit higit sa lahat ng ito—pagiging pretty boy, sundalong macho, at bad boy—may isang katangian si Kapitan Trillanes na nagbubukod sa kanya sa karaniwang mga pop idol at crush ng bayan gaya ng cast ng Meteor Garden o ng Buttercup: ang kanyang idealismo, na sadyang kailangan natin sa mga nakapanlulumong panahong ito.

Nagpamalas siya ng katapangan sa pagsusulong ng kanyang paninindigan laban sa katiwalian. Sino ba namang baliw ang lalabagin ang batas at susuwagin ang kapangyarihan para lamang maibistong nagbebenta ng ng armas at bala sa mga kalaban ng estado Sandatahang Lakas ng Republika? Sino ba namang ulol ang babanggain ang mga makapangyarihang tulad nina Ate Glo at Angie Reyes at ilalagay sa panganib ang kanilang buhay para lamang patunayang itong mga pinuno natin ay sangkot sa pambobomba sa Davao?

(Sabagay, sino rin namang ogag nga ba ang maniniwalang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front ang isang Montasser Sudang—ang biktimang naging suspek ng militar sa pambobomba sa Davao? Ayon sa mga kaibigan at kamag-anak, excited ang lalaki sapagkat unang beses niyang makakarating sa Davao para sunduin ang kanyang pinsan. Sumitar pa siya ng jeep at nagsama ng 29 na kamag-anak, kabilang ang ilang bata. Sabi nga ng Inquirer sa isang editorial, "Unlike the real suicide bombers in, say, Israel, his body parts are accounted for, and his face is still recognizable. It has the look of innocence, as if Montasser Sudang didn't know the end was near.")

Sa tingin ko, kabilang si Kapitan Trillanes sa mga tipo ng tao na nangininig sa pagkasuklam sa kawalan ng katarungan—at idagdag na natin, katiwalian. Sa kanyang pag-aaral sa ating Pamantasang hirang, ibinisto ni Kapitan Trillanes sa kanyang thesis at ibang mga sulatin ang katiwalian sa Philippine Navy.

Sa kanyang pahayag, makikita rin ang kanyang prayoridad: "The cost to the economy would be very very minimal compared to the reforms that would come out after this. Imagine the lives of people that would [improve] after the outcome of this exercise if the government will really listen and will have the will to really reform." Marami kasing bad trip sa ginawa nilang panggugulo dahil daw sa sinira nila ang ekonomiya. Sabihin mo nga naman ‘yan sa mga mahihirap sa Payatas at Tondo, at baka isampal sa mukha mo ang tanong na “Ano ‘yang putanginang ekonomiya na ‘yan? Makakain ba namin ‘yan?”

Yun nga lang, nagtataka pa rin ako sa piniling pangalan ng grupo nila—Magdalo. Ayon sa mga reporter, sinabi raw ng mga rebeldeng sundalo na mayroon silang pulang armband na may disenyo ng isa sa mga watawat ng Katipunan dahil sinusundan nila ang halimbawa ni Gat Andres Bonifacio. Pero teka lang, di ba’t ang paksyong Magdalo ang nagtraidor sa mahal na Supremo?

Nakapagtataka rin kung bakit lantarang ipinagmudmuran umano ng mga sundalong ito ang kopya ng programang National Recovery Program ni Senador Gringo Honasan—isang beterano sa mga kudeta. Nababanggit din ang posibleng kaugnayan ng pinatalksik na Pangulong Joseph Estrada, na kaalyado ni Honasan.

Sa gitna ng kanyang pagiging asteeg, may ilan pa ring bagay na dapat ipaliwanag ang bagong crush ng bayan. Huwag naman sanang nakipaglaro siya ng gamitan. Kung ganoon, sayang ang paghanga sa kanya ni Ate Nicky at ng halos buong bayan!



###############


Column - Tembtation

Related links
Ederic@Cyberspace
Tinig.com






Tembtation : Bakit Crush ng Bayan si Kapitan Trillanes? | 40 comments
 

Re: sana nga talaga... by ishda
Friday, August 01, 2003 @ 04:34:30 PM
di lang nagpagamit si trillanes, at totoo lahat ng sinasabi nya. i like him, not because he's goodlooking but i admire the smoldering idealism and bravery that envelops his being, the very same thing that risked his and his men's lives.

"Marami kasing bad trip sa ginawa nilang panggugulo dahil daw sa sinira nila ang ekonomiya. Sabihin mo nga naman ‘yan sa mga mahihirap sa Payatas at Tondo, at baka isampal sa mukha mo ang tanong na “Ano ‘yang putanginang ekonomiya na ‘yan? Makakain ba namin ‘yan?”

*clap-clap* very well said.;-)


Re: cutiie talaga sya by Gandagirll
Friday, August 01, 2003 @ 04:42:43 PM
theres something about men in uniform(army, navry, air force) talaga...a nice face and rebellious streak helps too. tapos may paninindigan pa sya at hero complex at may angst. matalino pa. aba nasa kanya na ata lahat nang katangian na hinahanap nang isang babae. kamukha nga ng tenga nya yun tenga nang boyfriend ko eh.


  • Re: by tembarom on Saturday, August 02, 2003 @ 02:24:02 AM
    • Re: tenga by Gandagirll on Monday, August 04, 2003 @ 02:57:20 PM
      • Re: by Gandagirll on Monday, August 04, 2003 @ 02:59:54 PM
puro Trillanes na lang. wala na bang iba? by Styar
Friday, August 01, 2003 @ 07:35:24 PM
tama ka daming inconsistencies sa mga logistics ng grupo ni Trillanes na nasasapawan pa ng ibang mas mababaw na isyu.




  • Re: by tembarom on Saturday, August 02, 2003 @ 02:23:21 AM
Re: nadedevelop by Hon
Friday, August 01, 2003 @ 08:04:03 PM
Di ko pa cya nakikita pero nagiging crush ko na cya ha. Nasa abroad kasi ako e. Pahingi naman ng pic niya! O kaya pakibigay ng link sa URL kung san ko cya mahahanap!!!


  • Re: by tembarom on Saturday, August 02, 2003 @ 02:22:10 AM
Re: sayang... by jesse
Saturday, August 02, 2003 @ 02:53:49 AM


actually, with the kind of job i have..i have no update na talaga abt current events...buti na lang Sunday nangyari that supposed "coup attempt" (na hindi naman daw...expression of grievances lang)nweis, i found it weird pero parang gusto ko ang nangyari...tuwang-tuwa ako kasi akala ko finally, something good was bound to happen..considering na matatalinong (well, mukhang matatalino) tao ang nag-initiate non (bonus na lang ang pagiging hunkabae!;))...impressed ako nung sinabi ng mga junior officer na hindi sila aalis don (sa Oakwood) kung hindi magreresign si Gloria down to the Generals...wa ako ma-say...and i believe they have such a very intriguing allegations...i am pretty sure that they have investigated and re-investaigated abt these before they acted on it...kala ko talaga magkakaroon na nang pagbabago....

nalungkot ako...kasi pagdating ng gabi...sabi sa kin ng boyfriend ko <honey, umalis na sila...>
umalis na daw sila sa Oakwood..bumalik na sa barracks...takang-taka ako...ano kaya ang pinangako ng magaling na presidente para utuin ang mga supposedly matatalinong taong ito?
bakit sila naniwala ng ganun-ganon lang...

sayang...akala ko totoo na...
sayang talaga...


  • Re: by tembarom on Saturday, August 02, 2003 @ 11:50:35 PM
Re: adaza by LimpBwiZiT
Saturday, August 02, 2003 @ 03:04:48 AM
“Why blame these young soldiers for telling the country the truth…?” –Atty. Homobono Adaza

No comment on the article. pero homobono adaza?
ngyerks...


  • Re: by tembarom on Saturday, August 02, 2003 @ 11:44:33 PM
Re: isa pang joke by barometer
Saturday, August 02, 2003 @ 11:00:26 AM
natanggap ng officemate ko ito ngayon sa text:

fyi.trillanes et al wil be in a different rm. d cla mgsasalita, mangkikiss lang. entrance fee:p200 for focap,2x for guests. for trillanes event P1,000.

dapat may discount din ang mga estudyante at senior citizens. :p


  • Re: by tembarom on Saturday, August 02, 2003 @ 11:42:39 PM
Re: I admire them... by kulugo
Monday, August 04, 2003 @ 10:43:25 AM
...bukod s mistah sila ng boyfriend ko, there are truth to what they are fighting for.

kya lang bakit puro na lang si Trillanes? mas cute at mas matalino si Capt Gambala, low-profile pa kahit number one sya sa PMA class 95. oh well... crush ko na sya! :D


  • Re: by rsm on Wednesday, August 06, 2003 @ 11:14:16 AM
    • Re: naman! by kulugo on Thursday, August 07, 2003 @ 08:21:07 AM
      • Re: by tembarom on Friday, August 08, 2003 @ 08:39:14 PM
Re: ang galeeng mo! by i_am_me
Tuesday, August 05, 2003 @ 09:32:10 AM
meron nga sigurong mga inconsistencies pero nililihis tayo ng mga un sa tunay na isyu tulad ng korupsyon hindi lang sa AFP kundi sa gobyerno natin...

nakakatuwang isiping meron pa ring mga mamamayang tunay na nagmamahal sa bayan natin... handang itaya ang karangalan at buhay para sa ikabubuti ng bayan...

para sa kin, di matatawaran ang prinsipyo ng mga sundalong 'nagrebelde'. sabi ni mareng winnie di raw dapat maging idolo ang mga naturang sundalo sa kanilang ideyalismo dahil di lang daw sila ang merong ideyalismo... ang tanong ko ng mga sandaling un- hindi kaya puro na lang tayo ideyalismo? hindi kaya dapat na tayong kumilos para masolusyunan naman ang ideyalismong ipinaglalaban natin? at hindi ba un lang ang ginawa ng mga sundalong nag-aklas? kahit nga ako nahihiya sa sarili ko dahil wala naman akong nagawa para ipaglaban ang ideyalismong meron ako...
sbe pa ni mareng winnie mali raw ang paraan na ginamit nila...ang tanong ko ulit- anong paraan pa ba ang epektibo para mapansin naman ng gobyerno ang hinaing ng mga sundalong di naman mataas ang ranggo?

hanggang ngayon, di pa rin ako makumbinse ng mga napapanood ko at ng mga taong nakapaligid sa king mali ang ginawa nilang paraan... siguro kahit tatlong taon na ko dito sa unibersidad, di pa rin tuluyang bukas ang pag-intindi ko... di ko kasi maintindihan kung bakit mali ang ginawa nilang paraan e wala namang dugong dumanak at sibilyang nadamay...


NICE ARTIK!!! walang kinikilingan!!! GALEENG!!


  • Re: by tembarom on Tuesday, August 05, 2003 @ 12:17:34 PM
    • Re: by i_am_me on Friday, August 08, 2003 @ 03:53:30 PM
hay! by kwissy
Tuesday, August 05, 2003 @ 10:30:32 AM
"Sa gitna ng kanyang pagiging asteeg, may ilan pa ring bagay na dapat ipaliwanag ang bagong crush ng bayan. Huwag naman sanang nakipaglaro siya ng gamitan. "

sana nga wag silang magpa gamit sa mga nakakataas sa kanila dahil baka mauwi lang sa wala ang kanilang pinaglalaban :(


  • Re: by tembarom on Friday, August 08, 2003 @ 08:43:12 PM
    • hahahha by kwissy on Monday, August 11, 2003 @ 09:39:50 AM
Re: magdalo?! by onthered
Wednesday, August 06, 2003 @ 04:32:58 PM
batay sa napanood ko sa news ng interbyuhin si trillanes, hindi naman sila ang nagbigay ng pangalang MAGDALo sa grupo nila..ang mga "magagaling" pong reporters ang nagbigay nun sa kanila na sinakyan na lang ng ating "kapitapitagang" gobyerno..

sana lang lahat ng tao dito sa Pilipinas may ganung mg prinsipyong pinaglalaban....wishful thinking :(


  • Re: by tembarom on Friday, August 08, 2003 @ 08:41:42 PM
sna nga by waywaya
Wednesday, August 06, 2003 @ 06:51:09 PM
Sa gitna ng kanyang pagiging asteeg, may ilan pa ring bagay na dapat ipaliwanag ang bagong crush ng bayan. Huwag naman sanang nakipaglaro siya ng gamitan. Kung ganoon, sayang ang paghanga sa kanya ni Ate Nicky at ng halos buong bayan!
--tama.


  • Re: waywaya? by tembarom on Friday, August 08, 2003 @ 08:40:15 PM
Re: thanks by veritas
Tuesday, August 12, 2003 @ 06:44:54 AM
Thanks for your insightful article.

I forwarded it to my e-group. I hope you don't mind.

Thanks for reminding us that idealism is not dead and not a monopoly of UP graduates and students.


  • Re: by tembarom on Tuesday, August 12, 2003 @ 03:59:19 PM
Seryosong Sagot sa Liham kay Trillanes by tembarom
Tuesday, August 12, 2003 @ 09:39:02 PM
Share ko lang 'tong isang sagot sa "Liham."
---

Sana nga, ganun lang kasimple 'yun at ganun kadali pagtawanan.

Pre, naranasan mo na ba makitang patayin ng kaaway ang isa mong kaibigan? Kung hindi ka NPA, malamang, hindi.
Naranasan mo na bang pumatay? Mas mabigat ito. Yung kaibigan na namatay, lilipas din ang sakit noon.
Pero yung taong pinatay mo, baka di mo malimutan habangbuhay.

Alam mo ba kung paano makipaglaban ang mga Scout Rangers? Kadalasan, dala ng pangangailangang masorpresa ang kaaway, kailangan mong gamitan ng bayoneta ang tanod sa kampo ng rebelde na lulusubin nyo. Kung naaalala mo pa ang bayonet training mo sa ROTC, di biro pumatay sa pamamagitan ng bayoneta. Mararamdaman mo ang laman ng taong pinapatay mo. Makikita mo pa ang mukha niya habang unti-unti siyang namamatay -
makikita mo ang pagkabigla, pagmamakaawa, at ang pagkalungkot sa mukha niya habang nari-realize niya na mamamatay na siya.

Alam mo kung kanino ko ito natutunan? Sa isang miyembro ng RAM na trainor namin sa ROTC (yun ang parusa sa kanila, nademote at inilagay sa harmless na positions sa NCRDC). Alam mo, pre, aktibista ako nung college at meron akong natural aversion at pagkainis sa mga RAM. Tingin ko sa kanila mga Marcos loyalists at Gringo boys na disgruntled dahil di sila nabigyan ng sapat na recognition at reward nung 1986. Pero dun sa
32 days na ROTC training ko sa Fort Bonifacio, natutunan ko ring irespeto ang mga trainors namin. Di naman pala lahat ng RAM/YOU members e mga bobong Gringo fans. At higit sa lahat, natutunan ko sa kanila na di pala "glorious" ang giyera (pangarap ko maging NPA commander dati e).

Akala ko, para sa mga Scout Rangers at sa iba pang mga sundalo, sisiw ang labanan at ang sarap manalo sa labanan. Hindi pala. Doon sa bayonet training namin, inamin nung trainor na yung unang taong pinatay niya sa pamamagitan ng bayoneta, naaalala niya palagi ang mukha at di siya pinatulog ng ilang buwan.

Alam mo pre, tao rin yang mga yan, katulad natin.
Mahilig ding makinig ng mga kanta ni Noel Cabangon.
Yung trainor namin, si Capt. Flordeliza, narinig ko pa minsan kumakanta ng kanta ng "Asin" - Cotabato.

Di biro itaya ang buhay para sa bayan.
At lalong di biro kumitil ng buhay "para sa bayan". At kapag narealize mo na itinaya mo ang buhay mo, at kumitil ka ng buhay para sa mga layuning taliwas pala sa interes ng bayan, pagkatapos mong bangungutin at lahat dahil sa mga kaibigan mong namatay at sa mga "kaaway" na pinatay mo - di ka ba maiinis at kukuha ng M-60 at mag-rarambo? Kung tutuusin, napakaayos pa nga ng ginawa nila Trillanes.

Ewan ko sa inyo, pero ako, kahit na di naman ako nagbuwis ng buhay at di naman ako pumatay, medyo naiintindihan ko ang pagkabuwisit ng mga sundalong ito. Naalala mo ba ang mga sakripisyong hiningi sa atin ng dot-com employer mo? Tapos wala namang kinahinatnan? Ano naramdaman mo nung narealize mo na balewala lahat ng pagpapagod at pagpupuyat?

Ako, naka-tatlong palpak na dot-com at isang palpak na startup ako. Buti ako, meron naman akong naipong IT skills in the process na magagamit ko para bumangon muli. E itong mga sundalong ito, ano ang saysay ng naipon nilang karanasan sa pagpatay?

Pangalawa, pre, paalala lang, di imposibleng totoo ang mga bintang nitong mga sundalong ito. Kung babalikan natin ang kasaysayan, may gumawa na nito 30 years ago.
Na-trace na ba kung saan nakakuha ng C-4 ang mga teroristang nangbomba sa Davao? Sa pagkakaalam ko kasi, di madali makakuha ng C-4, at AFP lang dapat ang meron nito sa Pilipinas. Kung "nanakawan tayo" ang palusot, may nag-imbestiga ba kung bakit ganun tayo kadali manakawan?

Hinay-hinay sa pagbibiro, pre. Dahil di na nakakatawa kung totoong pinaglalaruan ng mga pulitiko ang buhay at kamatayan - literally - ng mga Pilipino.

Kung ipinasa nyo
Read the rest of this comment...


“Ano ‘yang putanginang ekonomiya na ‘yan? Makakain ba namin by Choc
Wednesday, August 13, 2003 @ 08:30:22 PM
Actually, yeah. That is what you eat. Those GDP numbers ultimately translate into the basic needs of the Filipino people: food, housing, education, etc. Sana lang ma-explain ng mas mabuti sa mga tao. Ang hirap kasi, maraming mga tao na nasa posisyon ng impluwensiya (di lang ang mga pulitiko) na masayang maraming taong di nakakaintindi. Bad blood thrives in chaos and misunderstanding. Kapag may mga bagay na ganitong nangyayari na nakakasira sa pagangat ng ekonomiya, ang may pera kaya nilang makaraos. Mas nahihirapan ang mga mahihirap na.

Sana wag pagtawanan. Sana wag maliitin ang isyu. Pare-parehong importante ang lahat ng iyan: Ekonomiya, Pulitika, lahat. Hindi kailangan isakripisyo ang isa para sa isa. Hindi naman mahihinang ganap ang mga Pilipino para di kayang panghawakan ang ayusin ang lahat ng ito ng sabay sabay. Why does one have to be at the expense of the other?

I wish Trillanes found a more efficient way of sending his point across than this, but grateful nonetheless to know that there is still hope in the youth. But in youth, impulsiveness, while evidently hard to avoid when one has indeed such passion, has caused so many noble desires and dreams to fall asunder. One wonders if there was a better way. It's sad that people have dismissed the soldiers' actions as mere dramatics.

He is cute. Marketable. Maybe, if he knew that, he could've used it to his advantage. Not just to be a pretty boy, but to represent what a good Filipino man is and ought to be. Mind, body and soul. Represent, so to speak. The Philippines needs more role models. A cute one would be so easy to follow.


heck! by Winks
Sunday, August 17, 2003 @ 08:55:23 PM
trillianes is indeed cute... even capt. gambala is cute :j


btw! by Winks
Wednesday, August 20, 2003 @ 07:17:53 AM
astig ka...
..kse ng dahil sa artik mo, nakita ko na un thesis ni triallianes dito sa i-net :)

-winks-


 
Google
  Web www.peyups.com   
Manila Tagaytay Cebu Baguio
Boracay Wedding Photographers

Kinetic HTML Co. © 1999-2007
Kinetic HTML Co.
All rights reserved.