Hi Anonymous! Login or signup to access your account.
|
MEMBERS
|
| Currently there are 255 users online. |
|
Love Stories : Call Waiting Contributed by jessie (Edited by ) Tuesday, August 20, 2002 @ 01:05:10 PM Print | Send
|
Hindi naman talaga ako galit sa iyo. Pero kasi napapagod na rin ako sa kahihintay.
Sa totoo lang, I've never felt so very alone than in this last four weeks. Kung kelan naging tayong dalawa, doon pa naging madalas na natatagpuan ko ang sarili kong mag-isa. Minsan, may kasama naman akong mga kaibigan, o minsan magkikita tayo nang pasaglit lang. Pero lagi at lagi na hindi ko matakasan yung feeling na wala akong kasama, na parang laging may kulang.
Hindi ko naramdaman na nandito ka sa tabi ko. At nung minsan pang matagal-tagal tayong nagkasama, may naka-alampay pa sa iyo. Buti pa siya nakadikit sa iyo. Buti pa siya nakiki-pag flirt ka. Kung titingnan nga, parang mas kayo yung couple kesa sa ating dalawa. Hindi naman ako makapagreklamo dahil iyon yung unang beses na nagkita tayo ulit, at di pa natin napapag-usapan talaga kung paano nga ba ang diskarte ng pagiging tayo, kung tayo pa rin nga. Ni hindi ako makapagreklamo dahil feeling ko, habang hindi nanggagaling sa iyo, wala akong karapatang magreklamo. Ayoko namang gumawa ng eksena. Baka sabihin mo kasi, over react na naman ako. Dahil as far as she was concerned, libre kang magpa-alampay at maki-alampay sa kanya.
Naiintindihan ko naman kung hindi tayo madalas na magkasama. Nakatira tayo sa magkabilang dulo ng Edsa. Marami kang pinagkaka-abalahan. Nariyan yung mga gawain mo sa eskuwela, yung pamilya mo, yung Diyos mo. Busy ako sa trabaho ko, sa mga gawain tulad ng labada at paglilinis ng bahay na marka ng pang araw araw na buhay. Alam kong di ka puwedeng basta na lang umalis ng bahay, o gabihin sa daan.
Naiintindihan ko naman na nagtitipid ka. Hindi naman ako nagpalibre sa iyo. Hindi naman natin kailangang laging kumain sa Friday's or kung saang restaurant na trip mo. Puwede namang magfishballs lang tayo. Or mag-commute ka. Hindi ako magrereklamo kung maglalakad lang tayo. Basta lang magkita tayo.
Pero sana naman, kahit minsan lang, subukan naman nating magkita at magkasama na tayong dalawa lang. Yung di ako singit sa pinabibili ng kapatid mo, o sa pagpapalit ng gulong ng kotse mo, o sa pagitan ng pagkakape mo kasama ng barkada mo at ng 5.30pm class mo. Kasi sa pagkakaalam ko, walang relasyong tumagal na ang tanging oras na laan niyo sa isa't isa ay yung iilang minuto ng paglalakad pagkatapos mong magbayad sa cashier ng toiletries section papunta sa carpark. Ayoko namang maging afterthought. Hindi ako afterthought.
Mas maigi pa nga kung siguro naging affair na lang ito kesa sa relasyon. At least, yung affair may takdang oras at lugar para sa mga kasangkot. May time na devoted para sa pagkikita lang. Yung walang istorbo, yung walang ibang puwedeng sumingit. Pero we cannot even approximate that. We don't have passion.
Alam kong sasabihin mo, na sa pagpayag ko, tinatanggap ko ang mga limitasyon ng mga kaya mong i-offer. Hindi naman kita sinisisi o sinusumbatan. Naisip ko lang kasi maaalis lahat ng mga pag-aalinlangan kung susubukan natin. Nagsawa na rin kasi ako dun sa pagpapa-urong sulong nating dalawa. Mas ginusto ko na lang na subukan natin kesa yung paulit ulit na pag-uusap na wala namang nangyayari.
Pero ganun pa rin pala. Wala pa ring nangyayari. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit nagri-reach out ako sa iyo, parang lalo ka namang lumalayo. Hindi ko maintindihan na kahit na ilang beses mo akong ire-assure na gusto mo talaga ako, hindi ko maramdaman yung kaigtingan ng damdamin mo. Hindi naman kita hahampasin kung hahawakan mo yung kamay ko. Hindi naman ako bayolenteng tao.
Tinanong mo ako nun, bakit hindi na lang ako doon sa kung sino yung makakapagbigay ng kung ano yung gusto at kailangan ko. Bakit ako magse-settle dun sa kung ano lang yung kaya mong ibigay. Sabi ko, hindi ko gusto yung salitang "settle." Dahil kung hahanapin ko yung taong iyon, I would be looking for perfection. At parang di yata yun posible sa mundong ito.
Puwede ring nagkamali ako. Marami akong bagay na puwedeng gawin na sasabihin ng ibang tao na kahangalan. Pero kung ikaliligaya ko, bakit hindi? Hindi ko lang inaasahan na mapapagod ako. Hindi ko pala kayang maging emotionally responsible for both of us. Hindi ko inaasahan na mapapagod ako sa katatakbo habang sinusubukan kong gumawa ng commonality para sa ating dalawa. Nakaka-drain din pala.
Sabi natin, we're going to give it a try and we're going to enjoy each other's company. But I don't even have that. Yun na nga lang ang hinihingi ko. Gusto ko ng sense of intimacy. Yung katulad nang dati na nakakapag kuwentuhan tayo ng apat na oras at di tayo nabo-bore. Yung lahat ng bagay puwede nating ungkatin at busisiin. Yung mga pagkakataong kahit naglalakad lang tayo o nakatambay lang sa parking lot, naroroon yung connection natin sa isa't isa.
Pakiramdam ko kasi, hindi natin nalagpasan yung politeness ng mga "gudmrng ü" at "hw r u?" Parang bumalik pa tayo dun sa awkwardness ng una nating pagkakakilala. Dapat hindi naman ganon di ba?
Puwede akong hindi magsalita. Pero ayokong dumating yung panahon where my tiredness will turn to hate. Ni hindi ko nga makuhang magalit sa iyo kasi pagod na ako. Ayokong magkaroon ng sisihan. Ayokong magkaroon ng galit. Alam ko namang sinusubukan mo eh. But more than anything, I need to feel your warmth, that sense of togetherness, right now. Hindi bukas, hindi sa isang linggo, hindi sa susunod na buwan.
I don't think I can suspend my life while you try to be emotionally mature, while you try to understand who you are, while you try to figure out what "being together" with someone actually means. I really feel like you've put me on hold. Life isn't call waiting. It's either you get back to me and talk. Or maybe I'll just put the phone down. That way, it'll save us both some time.
###############
|
|  | Writings - Love Stories
 Related links
 |
|
|
|
| Love Stories : Call Waiting | 44 comments | | | |
|
Re: Call Waiting
 | i can somewhat relate to your article but my thing is the opposite of yours. may bf ako, lagi kami nagkikita but then i am getting tired of being together-always- kasi parang nakikita ko unti-unti na he's not who i want. kaya nga ngayon medyo hindi kami nagkikita to give each other some space...
i guess not every relationship is perfect. you just have to accept that fact.
|
|
Re: Call Waiting by ches Tuesday, August 20, 2002 @ 02:53:14 PM
 | i understand that you luv him kya ka nagkakaganyan, but sometimes you also have to use your mind over your heart to spare yourself of too much pain. his attitude simply means hindi pa sya ready 4 a serious relationship, so why suffer? you don't deserve him ok?
i've been there, and it really was not easy. but i tell you, there might come a time he'll also realize his mistakes, sana lang it's not yet late. as of now, the least that you can do is to be fair to yourself.
|
|
- Re: Call Waiting by Anonymous on Tuesday, August 20, 2002 @ 03:07:33 PM
- luv nga ba? by jessie on Tuesday, August 20, 2002 @ 11:01:50 PM
- hmm... by yazzie on Wednesday, August 21, 2002 @ 11:55:55 AM
- Re: hmm... by jessie on Wednesday, August 21, 2002 @ 12:25:00 PM
- Re: hmm... by ches on Wednesday, August 21, 2002 @ 01:52:36 PM
- Re: hmm... by jessie on Wednesday, August 21, 2002 @ 06:14:58 PM
Re: Call Waiting by stillhurtin Tuesday, August 20, 2002 @ 06:37:31 PM
 | been in the same situation. and boy! it was really painful! he asked for space when i decided to tell him everything. i was unsure na kasi of the whole relationship thats why i started the whole conservation. then he said its better if we think things over first. duwag sha e. he was afraid of committing himself to something. be it a relationship or what. pareho sila ng bf mo. feeling ko nga, sha na pinaka insensitive na guy sa buong mundo. its been a week and a month and sobrang nagsisi ako kasi kung dko sinabi lahat, kami pa rin ngayon. but on the other hand, ganon din e. mahirapan din ako. i guess its better this way. masakit pero at least ive come to realize yung mga mistakes ko. and how i wish na ganon din sha. right now, we barely communicate. but im quite ok na with that. theres more to life... alam ko yun. looking back, masaya naman e. ok na rin yung ganito. alam ko babalik sha. cguro hindi ngayon but i know it wud be worth it. i mean, the waiting and all. hu knows by that time, nagbago na sha... im hoping against hope kasi alam ko, minahal nya ko.
so, if he ever leave you just because di pa sha ready, let him go. give him what he wants. in a way or another, u will thank yourself for doing so...
yaan na lang natin sila. one day, makikita mona lang, nanjan na ulit sha... i know, mahirap paniwalaan at masakit maghintay sa wala. but we never know whats gonna happen.
goodluck. balitaan moko.
godspeed.
|
|
sigh... by red-humpback Wednesday, August 21, 2002 @ 07:25:30 AM
 | I thought you were writing about me. I met this guy who was very special to me and although there wasn't anything formal between us we knew that there was something. But he kept his distance, kept his silence and never said anything to assure me of a future relationship. I waited for a long time but there was no indication whatsoever that we were going to become an item. I didn't know what to do so after several months I committed myself to another relationship, to a guy who's head over heels in love with me and someone whom i also love deeply in return. When the other guy knew of my engagement, he broke down in tears. The moral lesson of the story? Good things come to those who wait but not to those who wait too late. So good luck girl. Don't put your life on hold while your guy is trying to figure things out.
|
|
Re: Call Waiting by melis Wednesday, August 21, 2002 @ 05:43:10 PM
 | i can't find the right words to describe how i feel about the article except that it almost made me cry. it's sad and it hit me hard. somebody's putting me on hold too, you see. very recently, i've decided to put the phone down, so to speak. i just hope i'll have the courage to see it through.
good luck. i hope things get better. :)
|
|
- better things by jessie on Wednesday, August 21, 2002 @ 05:56:34 PM
You deserve someone better... by smartin1984 Wednesday, August 21, 2002 @ 09:28:11 PM
 | Sa palagay ko you deserve someone better. Pero bago yun, iprint mo tong artik mo at ibigay mo sa kanya. Simple pero mahirap gawin, that is kung di mo kayang sabihin ng harap harapan (tulad ko). Mag usap muna kayo baka naman yung iniisip nya katulad lang ng iniisip mo. Maraming possibilities ang na foform sa utak mo di ba? KAUSAPIN MO XA. yun lang po.
|
|
Re: Call Waiting
 | Kakalungkot naman ng kuwento mo. Sana maging maayos yung mga bagay-bagay sa pagitan ninyo. Baka masyado lang siyang insensitive. Sampalin mo kung kinakailanagn para matauhan. Pero kung sa tingin mo ay hindi na siya worth ng atensyon, oras at enegy mo edi gawin mo mna yung sinabi nung isa, humanap na lang ng iba. Oo, mahirap pero antay ka lang, darating din yun.
|
|
Re: Call Waiting by Flair Thursday, August 22, 2002 @ 05:11:28 PM
 | "We don't have passion."
"I really feel like you've put me on hold. Life isn't call waiting. It's either you get back to me and talk. Or maybe I'll just put the phone down. That way, it'll save us both some time."
These lines really hit me hard in your article. I'm on the same road. My boyfriend has so many responsibilities to his family, his acads, his work, and he barely has time to fit me in his hectic schedule. At times I keep on thinking of breaking it off. In your words:
"Ayoko namang maging afterthought."
But as our relationship progresses, I can see his genuine effort of trying to make time for me.. kahit nga five minutes with him lang, I'm happy. It's enough to give me bliss.
But if ever I'll find myself in a similiar situation to yours in the future, I think I'll "have to put the phone down". After all, who wants to be merely an afterthought? We can't keep on staying on hold forever...
|
|
- yoko naman maging afterthought... by stillhurtin on Thursday, August 22, 2002 @ 06:21:33 PM
- Re: yoko naman maging afterthought... by jessie on Thursday, August 22, 2002 @ 09:05:06 PM
- Re: yoko naman maging afterthought... by stillhurtin on Friday, August 23, 2002 @ 08:35:06 AM
- sabi nga ni melanie marquez by jessie on Friday, August 23, 2002 @ 09:02:21 AM
- Re: sabi nga ni melanie marquez by stillhurtin on Friday, August 23, 2002 @ 12:13:07 PM
- Re: sabi nga ni melanie marquez by jessie on Saturday, August 24, 2002 @ 10:48:30 AM
- aha! by stillhurtin on Saturday, August 24, 2002 @ 11:29:56 AM
- Re: aha! by jessie on Saturday, August 24, 2002 @ 09:50:57 PM
- Re: aha! by stillhurtin on Sunday, August 25, 2002 @ 02:31:33 PM
Re: Call Waiting by padme Monday, August 26, 2002 @ 10:39:04 PM
 | well, i can relate, grabe!! ewan ko ba, but i can say you really love him to have withstand what he has done. siguro nga napapagod ka na... ganyan din yung sinabi ko sa kanya, sana hindi dumating sa point na mapagod ako!!!
give him the space he wants, siguro nga hinihintay nya lang magsawa ka, so that he wouldn't be the one
|
|
Re: Call Waiting by padme Monday, August 26, 2002 @ 10:45:35 PM
 |
well, i can relate, grabe!! ewan ko ba, but i can say you really love him to have withstand what he has done. siguro nga napapagod ka na... ganyan din yung sinabi ko sa kanya, "sana hindi dumating sa point na mapagod ako!!!"
give him the space he wants, siguro nga hinihintay nya lang magsawa ka para matapos na yung relationship nyo.. and he can say hindi sya ang nakipabreak... haayy...
bakit may mga taong ganyan.. lets prove them, na kaya natin kahit wala sila. just tell him, even without you, "I'm complete!!"
|
|
|
|